Wednesday, September 29, 2010

worth

there are still a hundred reasons to smile
and you are one of them.
=====

May nagtanong...

"Are you in a relationship?"

Hangganda ng tanong.

Nakuha ko yan sa inbox ng FB account ko. Di ko alam kung concerned sa akin yung nagtanong or sadyang "usi"(sero) lang siya. Pero mabait ako ngayong umaga, kaya iisipin kong concerned sya sa lablayp ko. *insert tawang timang here*

'Till i hear it from you

Tuesday, September 28, 2010

Dear Channing



Ilang araw na din akong nag aadik adik sa pelikulang 'to.  Nagandahan ako sa kwento at idagdag na din siguro ang kagwapuhan ni Channing Tatum. Natatawa na nga ako sa sarili ko dahil napanood ko na siya ng halos pitong beses, nakuha ko pa ring i-download. Kitams, di talaga maka get over.

Pebrero ata ng taong ito pinalabas siya sa mga sinehan. At dahil workaholic pa ako sa panahong yun, di ko siya napanood sa big screen. Sayang. Mas na-enjoy ko sana ang kagwapuhan ni Channing sa panahong yun.

Istorya ng dalawang tao na nagkakilala at na inlove agad sa isa't isa. Pagkatapos ng dalawang linggo, magkahiwalay man sila pero patuloy ang pag-iibigan nilang dalawa sa pamamagitan ng mga sulat. Bilang isang sundalo, naa-assign kasi si John sa iba't ibang lugar na tanging sulat lang ang paraan para makabalita sa kanya ang kasintahan nyang si Savannah.

Mahirap ang sitwasyong magkalayo sila sa isa't isa. Iba pa rin kasi yung nasa tabi mo lang ang taong minamahal mo. May mga bagay kayong di masasabi at maipapadama sa isa't isa. Based sa movie, nung panahon na nadestino si John, wala man lang internet connection. (Walang YM at Facebook. Bwahaha). Kaya doon nag umpisa ang twist ng kuwento.

Nagandahan ako sa movie na to. Di lang kasi sa pag-iibigan ng dalawang tao umiikot yung kuwento. Pati na rin sa relasyon ng isang anak sa kanyang ama. Lumaki kasi si John, na wala ang nanay sa tabi niya. Ang tatay nya lang ang nakakausap at nakakasundo sa mga iilang bagay na sa kalaunan din ay nagsawa siya. Sa iisang bagay lang kasi sila nagbobonding ng papa nya. Sa "coins".

Maraming touching na eksena, pero mas tumulo ang uhog luha ko nung umuwi si John na may sakit na ang tatay nya. Di na makakapagsalita at para makabawi man lang sa mga oras na di niya ito nakapiling, ginawan nya ito ng isang sulat at binasa sa harapan ng ama nya habang umiiyak.

May mga bagay sa mundo na kung minsan kailangan mang tuldukan, kung ito naman eh itinadhana para sa iyo, ibabalik ka talaga papunta dito. Walang dahilan. Walang dapat pag-usapan. Isang ngiti at mainit na yakap, lahat ay hudyat ng isang masaya at panibagong simula.

Eto nga pala ang Themesong ng movie.



P.S.

Channing,

Magkita na lang tayo sa panaginip ko.
Hihintayin kita.


Nagmamahal,

Crappy

Back!

Antagal ko ding iniwan ang kuta kong ito. Nagpakasarap sa kabilang dako roon (on on on echo epeks yan). Yung ibang nakilala ko dito, eh mukhang bihira ko na din nabibisita. Kamusta kayo? As if may bumabasa pa nito anu? Bwahaha, pampadagdag salita yan. Kunwari mahaba ang entry ba.


Maraming nangyari.
Maraming nakilala.
Maraming kwentong itinago.

Dito ko na nga siguro yun isusulat.
Wala mang makakabasa, keber ko na.

Masaya na ako makakabalik na ako sa pagiging basurera ko.
Yahooooooooo !!

Tuesday, May 11, 2010

rebound



Sana’y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutungahan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko


iwan muna kita... dito na muna ako..

tinatamad akong ayusan ka...
tinatamad akong butingtingin ka habang masayang nakikipag kulitan sa mga kapwa kong taga pangalaga din ng isang bagay na tulad mo. pero nde ibig sabihin nito, itatapon na kita at iwan na lang basta sa isang sulok.

di ko naman kayang gawin yun sa iyo.

nagpasya lang akong dito muna mamahinga para din 'makapagpahinga' ka..

makapagpahinga sa...

mga matang alam kong titig na titig sa iyo sa bawat salita at kinikilos mo.
mga matang minsan ay mapanghusga sa mga nararamdaman mo sa isang tao.
mga matang walang ibang hinahanap kundi pagkakamali mo para gamitin laban sa iyo at sa kasiyahang meron ka sa ngayon.

alam ko kung kani kaninong mata ang mga yun. at sa pinagagawa nila, isang bagay lang ang pagkakaintindi ko dun. 'inggit'.

kaya huwag ka nang magtampo.
di kita pinagpapalit.
mahal kita at di kita kayang iwan.

dito lang muna ako.
at di ako mawawala sa iyo.
binabantayan kita... sa malayuan nga lang.




*pic from here

Friday, April 16, 2010

weh...

asar!

sana may taglay akong kapangyarihan sa mga oras na 'to.

gusto kong gawing isang "ZOMBIE" ang sarili ko. manhid. yung di marunong makakaramdam ng sakit, pagod, lungkot at saya. yung nakatingin lang sa malayo pero walang iniisip. yung 'bingi' sa mga kwentong puro problema lang din ang dala sa paligid. panu kaya yun?

lance: ok ka lang?
kaye: uu (nakatingin sa malayo)
lance: sure?
kaye: uu
lance: huuyy!!!
kaye: huh! (gulat)
lance: anu ba nangyayari sau? ok ka lang?
kaye: uu


sa dami ng mga bagay na nag-aagawang pumasok sa isip ko, di ko na din ata alam kung saang lupalop ako nandun. blanko na ata talaga. takte! dati di naman ako ganito ah. talaga nga atang ganun kalaki ang problemang 'to para mawindang ako ng ganito. kainis.

ayokong magpa apekto.
nyemas talaga. ayokoooo naaaaaaa !!!

Thursday, April 1, 2010

shifting sand

Wednesday, March 31, 2010

tayo dati... ngayon..?

the last time na nagkakulitan tayo ay yung "tayo" pa ata. kelan ba yun? three months ago? haha, nagka amnesia na. pasensya ka na kung medyo nde "tayo" naging okay pagkatapos kong bumitaw sa isang pangakong alam kong hinding hindi na magkakatotoo nun. magsisinungaling ako sa iyo kung di ko nasabi sa sarili ko nun na ginawan kita ng pabor sa pagbitiw kong yun. ikaw naman kasi. uu kaw naman talaga ang dapat sisihin sa lahat.

nagulat ako sa message mo sa akin ilang araw nang nakakaraan. na di mo makuhang i-delete ang mga piktyur ko. na kesyo tinatago mo pa din ang lahat ng mga yun. gustuhin ko mang isipin na humahaba ang buhok ko 'gang kabilang kanto eh nde pede. kung may kakayahan lang akong nakawin ang selpon mo at burahin ang itsura ko dun, matagal ko nang ginawa.

ayoko lang ng gulo. kilala ko "siya". mataray. taklesa. kung may kabaitan man siguro sa ugali nya, pasensya pero di ko yun nakita nung una kaming nagkakilala. pero naiintindihan ko din kung bakit siya nagkaka ganun. klir na sa akin. di ako insekyur. haha jowk po.

kahit papanu, masaya na din ako sa nangyayari sa "atin". unti unti nang bumabalik yung ukrayan at kulitan natin sa isa't isa na pansamantalang nawala dahil sabi mo nga nawiwindang ka pa sa mga nangyayari lately. weh! di bagay sa iyo, huy! ok di na dapat kalkalin yun. nakaraan na eh.

natutuwa din akong malaman mula sa iyo na tanggap mo na din kung gaano ako kasaya na ngayon.

_wall_ : happy na ako para sa iyo. na nakilala mo siya, yung taong mahal mo at mahal na mahal ka din.

'kaye' : salamat.... happy din nmn ako para sa nyo eh.

_wall_ : ingat ka palagi ha. dito lang ako kung sakaling kelangan mo ng isang kaibigan. alam kong mahal na mahal ka din niya.

'kaye' : salamat. salamat.


natupad din ang isang kahilingan ko. ang makita kang masaya sa piling "niya". dahil kasabay nun ay ang pagpapalaya mo sa mga alaalang pilit mong pinanghahawakan na baka sakaling magbalik pa yung "dati" para sa iyo. para sa "atin". kaso lang....

masaya na ako sa "kanya". at wala na akong mahihiling pa.

Friday, March 26, 2010

TLC

“kembelar”

"lugawan"

"tut-tuuut"

"push the button"

patirin kita jan!

huyyy!

"escabeche"

obladi oblada

oh... my... gawddd

bahala ka!

at ang pinakapaborito kong stinger.....

eng eng ka pala eh!

kung pamilyar sa iyo ang mga salitang yan... malamang adik ka ding tulad ko. hmm, kilala mo ba kung sino ang nagpauso ng mga salitang yan?


Monday, March 15, 2010

ako'y meron...

♪♫ Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng iyong kaharian
Wala man akong pag aari
Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan
O, aking prinsesa ♫♪

tugtog sa radyo.
lupet.♥

parang may kung anung bagay na ipinatong sa bunbonan ko at bigla kong naigalaw galaw ang ulo ko. yeah. papikit pikit pang napapasabay sa kanta. feel na feel. teka lingon muna sa paligid at baka may nakatingin at humahagalpak sa tawa.

masarap pala balik balikan ang mga dating trip na minsa'y nakalimutan ko nang isama sa pang araw araw na gawain. isa lang siguro ang ibig sabihin nito. inspayrd? ayayaaaayy!

mga ilang araw na rin siguro akong ngumingiti sa pag gising ko sa umaga. yung tipong ang gulo gulo pa ng buhok kasi di pa nga nakakapag suklay tas ngumingiti na parang pagong habang ikaw naman na nakatingin eh sa kin kumukunot ang noo at inaakala mong walang dahilan yun. (pwes akala mo lang talaga yun) pero meron. meron.

meron akong anu.
meron akong kuwento.

may itinuturing na akong prinsipe. [napayuko *shy epeks*]

makulit. masaya. magulo. kumplikado
pero wala namang mundong perpekto.

isang bagay lang ang alam ko.
masaya ako sa mga nangyayari.
ini-enjoy ko ang bawat segundong nakakasama ko si prinsipe.

kung hanggang saan 'to patutungo.... di ko alam.
kung hanggang kelan. mas lalong walang nakakaalam.
iniisip ko nalang.

masaya siya.
sana nga.

dahil ganun ako pag kasama ko siya.

mahal ....

.................





na nga siguro namin ang isa't isa.

(ayown yun oh!)






Wednesday, January 27, 2010

payrplays





wala sa mood.

Tuesday, January 26, 2010

O.M

9:15 pm.

takbo pauwi.
nagbihis.
kumain. (diretso lunok, ala nang nguya nguya)
tumingin sa relos.
"10:45"

pede pa.

ON ang pc.
log in sa YM.



jan ka ba?
ding
ding
ding


alis na lang ako. may practice daw eh.
ingat.

*sigh* di man lang ako hinintay :(

sa wakas.... umpisa ulit !!!

wow... limang buwan na wala man lang update. hehe. kala ko nde ko na din mabubuksan ang blog kong 'to... nakaka panibago. haha. weird ng feeling. limot ko na din ata panu mag gawa ng bagong post. nyahahaha..

kahit di nyo itanong, ipapaalam ko kung bakit nag hiatus ang blog na ito.

work.
kahit kelan, epal ang work. palusot yan sa mga taong di makapagbabad sa net at sosyalan na galaan. tulad ko. [ehem]. na assign ako sa isang project na halos magdugtong na ang dalawang kilay ko matapos ko lang ang madugong trabahong yun. imperness, natapos nga sya. isang linggo nga lang akong di nakabangon.

luv lyf.
sa kakahabol ko para magkaron niyan, nalimutan ko na din mag blog. akala ko makakatulong sa pag unlad este pagsikap ng todo sa work, wala ring napala. lalo lang naging magulo. tsk tsk. ay teka, meron. ay, wala. ay merooonnn! hayss. wala nga pala.

farmville/farmtown.
o haaa... nangalay ang kilikili ko sa pag aararo at pagbubungkal ng lupa dun. takte, sinubukan ko lang sana kung panu ang farm ek-ek na yan dahil pati sa talipapa sikat yun. aba, di ko namalayan, nakarir ko na! tsk!

---------------------------------

new year.

dapat din ba, bago din ang itsura ng blog?

hmm... makapag butingting nga muna....

Wednesday, August 19, 2009

yan kasi. anu. hehe

kausap ko ang boss kong medyo may pagka lukring kahapon.

boss: matamlay ka ata nitong mga nakaraang araw.
crappy: uu nga po.
boss: lovelife? (*nkataas isang kilay nya)
crappy: *di sumagot
boss: silence means yes?
crappy: no
boss: kala ko ba "taken" ka na.
crappy: uu nga. taken nko.

crappy: taken for granted.

pero nde tungkol dyan ang i-uupdate ko ngayon. (kaka umay na kaya haha)
tungkol kay boss lukring. shhhhh.

pag meron kasing mga retreats o out of town na gimmick ang mga taga opis, di nawawala yung kanya knyang bitbit ng mga jowa.

si boss, meron. si ate accountant, meron din. si lady sexytary, di rin pahuhuli. si HR praning, dala din nya ang bangag nyang boypren.

si crappy? meron din. ako pa?!

nag punta kami sa isang beach nung isang linggo. trip daw nila maarawan at magpasunog ng balat kaya ayun, parang mga isdang binibilad sa araw para matuyo. naka hilera sa .... anu nga ba tagalog ng seashore? basta yun.

sabi ng bitbit kong jowa (na peke), "tignan mo mga ka opisina mo. parang ngayon lang ata nakakita ng dagat at excited magtampisaw"

ok din ang ungas na to, sa isip ko. isinama ko para may kaplastikan ako sa outing, eh tsismis din pala ang habol.

"yaan mo na"
"ang alin?", sagot nya.

"bading ka ba?", sasagutin ko na sana ng ganun nang nakita kong paparating na ang boss kong half lukring at half tsismosa slash pakialamera.

"ah, kaw ba ang bf ni crappy?"
tumango naman si PJ (pekeng jowa hehe). buti at magaling din umakting.

"crappy, di ba kau maliligo, sarap ng tubig sa dagat o."

ah, eh ma'am...mmya na ho sguro.

para din makapag enjoy din tong si bf mo.

PJ po mam.

nice name. ilang years na ba kau ni crappy?

ah, eh....PJ, lika. dun muna tayo sa may dagat. gusto mo?

nakuuu. yan na nga ba sinasabi ko eh. makikitsismis na naman sa lablayp ng ibang tao. sa lahat ng nakilala kong boss, sya ang pinaka tsismosa hehe. lahat ng lovelife ng staff nya, gusto alamin. anu ba kasi paki nya sa mga yun? tataas ba bigla ang palitan ng dollar kung malalaman nya mga lablayp namin? di rin naman siguro babangon si marcos mula sa hukay nya para palitan si GMA sa pwesto nya. eh mismong bf nya nga di nya mabantayan eh, tas personal na buhay pa namin ang aatupagin nya? hello?

minsan gusto ko na din sya sabihan ng.... "ma'am, yung boypren mo po. nakita ko sa bar nung isang gabi. tatlo ang kasa kasamang kulasisi"

pero naisip ko, may trabaho pa kaya ako kinabukasan kung gagawin ko yun?

kahapon, biniro ko sya. kung kelan sila magpapakasal. ang sagot ba naman, "bat ba gusto mong malaman?"

hehe. uu nga naman crappy? anu nga ba ang paki mo?

ma'am, eto lang masasabi ko.
wala po akong planong agawin ang boypren mong matigas pa sa bato ang pagmumukha. at ni minsan nde nangyaring nagkaron ako ng katiting na pagnanasa sa isang taong walang modo, mayabang at higit sa lahat sa isang taong kamukha si.... gollum.

yun lang.



* [EDIT]

salamat kay PinkNote para sa regalong binigay nya.







tats naman ako.
tenKyu. mwah!

Wednesday, July 29, 2009

ilusyon




For all the times I felt cheated, I complained
You know how I love to complain
For all the wrongs I repeated, though I was to blame
I still cursed that rain
I didnt have a prayer, didnt have a clue
Then out of the blue

God gave me you to show me whats real
Theres more to life than just how I feel
And all that Im worth is right before my eyes
And all that I live for though I didnt know why
Now I do, cause God gave me you

For all the times I wore my self pity like a favorite shirt
All wrapped up in that hurt
For every glass I saw, I saw half empty
Now it overflows like a river through my soul
From every doubt I had, Im finally free
I truly believe



* katamtamang trip lang to. wala. blanko kasi utak. nauntog.

Friday, July 24, 2009

i'm just a little too not over you

I've known you for so long
You are a friend of mine


- simula pagkabata kilala na kita. sipunin, tsaka lahat ng balat mo sa katawan nakita ko na ata. kasakasama kaya kita sa mga inosenteng kalokohang pakana mo rin lang noon. pati yung kung panu mo tinirador yung lasenggong ngongo na kapitbahay natin. hehe. buti na lang marunong yun umilag. kala ko nga masasapol mo sa mukha eh. kung nagkataon, yari ka sana. hirap pa naman pag nagmumura yun, di mo magegets.


But is this all we'd ever be?


- tanggap ko na, na ganito tayo. mag jowa. este mag bespren. lahat nasasabi mo sa kin. problema sa kuya mo, problema sa trabaho at problema sa salitang tinatawag na lovelife. sino ba kasi nag imbento ng salitang yun. sayang at one way lang ang sumbungan natin. di ko kasi makukwento sa iyo ang problema ko sa lovelife ko. (naks!) it's either pagtatawanan mo lang ako o di ka makakarelate. uu, ganun ka ka-selfish. haha jowk.


I've loved you ever since
You are a friend of mine
But babe, is this all we ever could be?



- di naman since birth eh, labs na kita. kung di ako nagkakamali mula nung inupakan mo yung unang chikboy na nagkamaling nanligaw este naligaw sa amin. sayang at huli ko nang na realize kung bakit mo siya nabukolan. mali man ako ng iniisip, eh wag ka na pumalag. eh sa gusto kong isiping nagseselos ka nun eh. *winks*

pero mula noon, kinilig na ako sa iyo, alam mo ba?


You tell me things I've never known
I've shown you love you've never shown


- ba't kaya di ko magawang magsawa na makinig sa mga kuwento mong di ako interesadong malaman
. kuwentong kaweirduhan, kabaklaan at kababalaghan. pati tsismis pinapatulan mo na rin. sa mga ganitong pagkakataon, anu kaya ang naiisip mo sa akin? minsan gusto ko rin sapakin ang sarili ko. ni katiting na pagaalala man lang sa kin di mo nga makuhang magawa eh.


But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly


- alas dos o alas tres ng madaling araw, tumatawag ka para lumabas ako dun sa may gate. yun pala para lang makita kitang umiiyak. na naman. pang ilang break-up na ba yun. ewan ko ba at nagtatyaga pa akong pakinggan ang lovelife mong magulo.



But deep inside you'll never see

This feeling of emptiness

It makes me feel sad
But then again I'm glad


- kung alam mo lang ang nararamdaman ko sa tuwing nalulungkot ka. kung alam mo lang kung panu ako umakting na parang wala pag nalalaman kong nakipagbalikan ka ulit sa kanya. haaayy...


I've known you all my life

You are a friend of mine

I know this is how it's gonna be



- kaibigan. bespren. katext. kakulitan. shock absorber. alila. kinakapatid *straight face*


I've loved you then
and I love you still

You're a friend of mine

Now, I know friends are all we ever could be



- tama nga ang sinabi ni bob ong....

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

Monday, July 20, 2009

emyu

ang hirap talaga magmahal ng bestfriend.

nandyan yung magpapaka "meantime girl" ka
. ibig sabihin "pansamantala" ka munang kapalit habang naghahanap pa sya ng kanyang "true and only love". kinakausap ka at nakikipag kulitan lang siya sa iyo dahil masaya kang kasama, masarap kausap at dahil alam nyang walang seryusong namamagitan sa inyo kundi simpleng magkakaibigan lamang. tinatawagan ka niya pag di siya sinipot ng ka date nya. at makikipagbiruan pa sa iyo na kung ikakasal man siya, ikaw ang pipiliin nyang bestman, suot suot ang amoy naptalinang tuxedo.

ang maging tagapakinig sa mga nakakaumay nyang kuwento. pero kung tutuusin, napapakilig ka naman habang tinititigan mo siya sa mata na nagkukuwento kung paanu nya nakilala ang bagong bebot na kinakarir nyang ligawan. lumilipad ang isip mo kung gaanu kasuwerte ang babaeng yun. na sana'y naging ikaw na lang siya.

maging bukang bibig ng magulang nya. na kung meron mang babaeng gusto nilang makatuluyan ng anak nila, e ako daw yun. ansaklap. kung meron lang sanang sumpang pede gamitin para makapagpabago ng tibok ng puso mo eh di sana'y matagal ko nang ginawa.

ang palaging umasa. na sana'y kinabukasan mag iba ang ihip ng hangin at matutunan ka nyang mahalin. yung maisip nya na kahit you're one of the boys eh, babae ka pa rin na may pusong nangangarap na mahalin at alagaan. ang pusong lihim nyang pinapasaya sa bawat tapik sa balikat at akap nya sa tuwing nangangamusta. ang puso na walang ibang tinatangi at minamahal kundi siya.

nakakainis nga lang dahil kahit balibaliktarin ang mundo, hindi na magiging kami.putuscinte