nandyan yung magpapaka "meantime girl" ka. ibig sabihin "pansamantala" ka munang kapalit habang naghahanap pa sya ng kanyang "true and only love". kinakausap ka at nakikipag kulitan lang siya sa iyo dahil masaya kang kasama, masarap kausap at dahil alam nyang walang seryusong namamagitan sa inyo kundi simpleng magkakaibigan lamang. tinatawagan ka niya pag di siya sinipot ng ka date nya. at makikipagbiruan pa sa iyo na kung ikakasal man siya, ikaw ang pipiliin nyang bestman, suot suot ang amoy naptalinang tuxedo.
ang maging tagapakinig sa mga nakakaumay nyang kuwento. pero kung tutuusin, napapakilig ka naman habang tinititigan mo siya sa mata na nagkukuwento kung paanu nya nakilala ang bagong bebot na kinakarir nyang ligawan. lumilipad ang isip mo kung gaanu kasuwerte ang babaeng yun. na sana'y naging ikaw na lang siya.
maging bukang bibig ng magulang nya. na kung meron mang babaeng gusto nilang makatuluyan ng anak nila, e ako daw yun. ansaklap. kung meron lang sanang sumpang pede gamitin para makapagpabago ng tibok ng puso mo eh di sana'y matagal ko nang ginawa.
ang palaging umasa. na sana'y kinabukasan mag iba ang ihip ng hangin at matutunan ka nyang mahalin. yung maisip nya na kahit you're one of the boys eh, babae ka pa rin na may pusong nangangarap na mahalin at alagaan. ang pusong lihim nyang pinapasaya sa bawat tapik sa balikat at akap nya sa tuwing nangangamusta. ang puso na walang ibang tinatangi at minamahal kundi siya.
nakakainis nga lang dahil kahit balibaliktarin ang mundo, hindi na magiging kami.
dahan dahang bumabalik sa 'kin ang mga alaala ng lugar na ito. halos dinig ko pa din ang bawat halakhakan at iyakan ng buong tropa noong huli nating pagtitipon tipon. kantahan, sayawan, kantyawan na para bang yun na ang magiging huling araw natin na magkakasama. pero mas nde ko makakalimutan ang ngiti mo noon habang kaharap at kausap mo si Ynna.
si Ynna na matalik kong kaibigan. si Ynna na tinatangi ng puso mo.
naaalala ko ang minsang paguusap natin. nag away kayo at napagdesisyunan nyang makipagbreak sa iyo. todo ang iyak mo nun. para bang batang inagawan ng kendi. syempre, bilang kaibigan mo, dinamayan kita. hinayaan kitang ilabas ang lahat ng sama ng loob mo.
humahagulgol ka. sobra kang nasaktan. pero bakit mas masakit sa 'kin ang makita kang nagkakaganyan?
dinaan ko sa pagkwento ng kung anu ano para lang malibang ka. at di ako nabigo. ngumiti ka. tumawa. yan ang gusto ko sa iyo, mababaw kang tao. kahit korny yung joke, humahagalpak ka agad sa tawa. kaya nga naisip kong bagay sana tayo eh.
sana. ganun naman lagi. sanay na sanay na akong mangarap ng gising.
.........
nabalitaan ko ang paghihiwalay ninyong mag asawa. di ko alam kung dapat ba akong maging malungkot ngayong makakawala ka na sa problema nyo na matagal mo nang dinadala? o dapat bang maging masaya ako ngayong malaya ka na....ulit.
ang buhay nga naman anu, kung sino pa ang nagmamahal ng totoo, siya pa ang laging nasasaktan...
nandito ka rin pala. uy, 'kaw pala. lagi mo pa rin pa lang dinadalaw ang lugar na to. ah, uu. mas ok dito eh. tahimik.
tahimik nga. nakakabinging katahimikan. di ka na nagsasalita. wala na rin akong maisip na pwedeng sabihin o ikwento man lang.
naalala mo pa ba yung huling text ko sa iyo? oo. gusto ko lang malaman mo na sincere ako nung sinabi ko yun.
tahimik ulit.
mauna na siguro ako, gabi na pala eh. si..sige, ingat ka pauwi.
ngumiti ako sa iyo. tumalikod at humakbang palayo. ayokong makita mong naluluha ako. at mas lalong ayokong marinig na sambitin mo ulit sa akin yun.
Reverse Mortgage Perks to Ponder When You Retire
-
The moment you retire, you will realize that your income is way lower
compared to what you used to receive. As such, you may need to take out a
mortgage on...
Unang First
-
Maraming kwentong pananakot sa ‘kin ang mga kapatid ko tungkol sa buhay
“may asawa” nung ako’y nagbabalak na. Trip na trip nilang nakikita yung
mukha kong ...
Invitation
-
We sometimes come to a time when we feel tired of life. But as the old
cliche' goes, " Life has to go on."
A lot of times I had the urgency of writing to m...
SPONGEBOB
-
*Who knows where life will take you,the road is long and in the end the
journey is the destination.*
*-Lucas Scott, One Three Hill*
Tandaan mo nga...
3 years
-
Parang kelan lang nung pasimple kitang sinusulyapan at pinagnanasahan.
Umaasang mapatingin ka rin kahit hindi sakto sa akin, at mapangiting para
lang napuw...
usapang choknat
-
*scene 1 (yung laptop di nilagay ng ate ko sa lagayan.) *
choknat: bakit di mo nilagay sa lalagyan?
ate ko: mainit pa kasi nung i-shutdown ko.
choknat: da...