Antagal ko ding iniwan ang kuta kong ito. Nagpakasarap sa kabilang dako roon (on on on echo epeks yan). Yung ibang nakilala ko dito, eh mukhang bihira ko na din nabibisita. Kamusta kayo? As if may bumabasa pa nito anu? Bwahaha, pampadagdag salita yan. Kunwari mahaba ang entry ba.
Maraming nangyari.
Maraming nakilala.
Maraming kwentong itinago.
Dito ko na nga siguro yun isusulat.
Wala mang makakabasa, keber ko na.
Masaya na ako makakabalik na ako sa pagiging basurera ko.
Yahooooooooo !!
tinatamad akong ayusan ka... tinatamad akong butingtingin ka habang masayang nakikipag kulitan sa mga kapwa kong taga pangalaga din ng isang bagay na tulad mo. pero nde ibig sabihin nito, itatapon na kita at iwan na lang basta sa isang sulok.
di ko naman kayang gawin yun sa iyo.
nagpasya lang akong dito muna mamahinga para din 'makapagpahinga' ka..
makapagpahinga sa...
mga matang alam kong titig na titig sa iyo sa bawat salita at kinikilos mo. mga matang minsan ay mapanghusga sa mga nararamdaman mo sa isang tao. mga matang walang ibang hinahanap kundi pagkakamali mo para gamitin laban sa iyo at sa kasiyahang meron ka sa ngayon.
alam ko kung kani kaninong mata ang mga yun. at sa pinagagawa nila, isang bagay lang ang pagkakaintindi ko dun. 'inggit'.
kaya huwag ka nang magtampo. di kita pinagpapalit. mahal kita at di kita kayang iwan.
kausap ko ang boss kong medyo may pagka lukring kahapon.
boss: matamlay ka ata nitong mga nakaraang araw. crappy: uu nga po. boss: lovelife? (*nkataas isang kilay nya) crappy: *di sumagot boss: silence means yes? crappy: no boss: kala ko ba "taken" ka na. crappy: uu nga. taken nko.
crappy: taken for granted.
pero nde tungkol dyan ang i-uupdate ko ngayon. (kaka umay na kaya haha) tungkol kay boss lukring. shhhhh.
pag meron kasing mga retreats o out of town na gimmick ang mga taga opis, di nawawala yung kanya knyang bitbit ng mga jowa.
si boss, meron. si ate accountant, meron din. si lady sexytary, di rin pahuhuli. si HR praning, dala din nya ang bangag nyang boypren.
si crappy? meron din. ako pa?!
nag punta kami sa isang beach nung isang linggo. trip daw nila maarawan at magpasunog ng balat kaya ayun, parang mga isdang binibilad sa araw para matuyo. naka hilera sa .... anu nga ba tagalog ng seashore? basta yun.
sabi ng bitbit kong jowa (na peke), "tignan mo mga ka opisina mo. parang ngayon lang ata nakakita ng dagat at excited magtampisaw"
ok din ang ungas na to, sa isip ko. isinama ko para may kaplastikan ako sa outing, eh tsismis din pala ang habol.
"yaan mo na" "ang alin?", sagot nya.
"bading ka ba?", sasagutin ko na sana ng ganun nang nakita kong paparating na ang boss kong half lukring at half tsismosa slash pakialamera.
"ah, kaw ba ang bf ni crappy?" tumango naman si PJ (pekeng jowa hehe). buti at magaling din umakting.
"crappy, di ba kau maliligo, sarap ng tubig sa dagat o."
ah, eh ma'am...mmya na ho sguro.
para din makapag enjoy din tong si bf mo.
PJ po mam.
nice name. ilang years na ba kau ni crappy?
ah, eh....PJ, lika. dun muna tayo sa may dagat. gusto mo?
nakuuu. yan na nga ba sinasabi ko eh. makikitsismis na naman sa lablayp ng ibang tao. sa lahat ng nakilala kong boss, sya ang pinaka tsismosa hehe. lahat ng lovelife ng staff nya, gusto alamin. anu ba kasi paki nya sa mga yun? tataas ba bigla ang palitan ng dollar kung malalaman nya mga lablayp namin? di rin naman siguro babangon si marcos mula sa hukay nya para palitan si GMA sa pwesto nya. eh mismong bf nya nga di nya mabantayan eh, tas personal na buhay pa namin ang aatupagin nya? hello?
minsan gusto ko na din sya sabihan ng.... "ma'am, yung boypren mo po. nakita ko sa bar nung isang gabi. tatlo ang kasa kasamang kulasisi"
pero naisip ko, may trabaho pa kaya ako kinabukasan kung gagawin ko yun?
kahapon, biniro ko sya. kung kelan sila magpapakasal. ang sagot ba naman, "bat ba gusto mong malaman?"
hehe. uu nga naman crappy? anu nga ba ang paki mo?
ma'am, eto lang masasabi ko. wala po akong planong agawin ang boypren mong matigas pa sa bato ang pagmumukha. at ni minsan nde nangyaring nagkaron ako ng katiting na pagnanasa sa isang taong walang modo, mayabang at higit sa lahat sa isang taong kamukha si.... gollum.
yun lang.
* [EDIT]
salamat kay PinkNote para sa regalong binigay nya.
For all the times I felt cheated, I complained You know how I love to complain For all the wrongs I repeated, though I was to blame I still cursed that rain I didnt have a prayer, didnt have a clue Then out of the blue
God gave me you to show me whats real Theres more to life than just how I feel And all that Im worth is right before my eyes And all that I live for though I didnt know why Now I do, cause God gave me you
For all the times I wore my self pity like a favorite shirt All wrapped up in that hurt For every glass I saw, I saw half empty Now it overflows like a river through my soul From every doubt I had, Im finally free I truly believe
* katamtamang trip lang to. wala. blanko kasi utak. nauntog.
nandyan yung magpapaka "meantime girl" ka. ibig sabihin "pansamantala" ka munang kapalit habang naghahanap pa sya ng kanyang "true and only love". kinakausap ka at nakikipag kulitan lang siya sa iyo dahil masaya kang kasama, masarap kausap at dahil alam nyang walang seryusong namamagitan sa inyo kundi simpleng magkakaibigan lamang. tinatawagan ka niya pag di siya sinipot ng ka date nya. at makikipagbiruan pa sa iyo na kung ikakasal man siya, ikaw ang pipiliin nyang bestman, suot suot ang amoy naptalinang tuxedo.
ang maging tagapakinig sa mga nakakaumay nyang kuwento. pero kung tutuusin, napapakilig ka naman habang tinititigan mo siya sa mata na nagkukuwento kung paanu nya nakilala ang bagong bebot na kinakarir nyang ligawan. lumilipad ang isip mo kung gaanu kasuwerte ang babaeng yun. na sana'y naging ikaw na lang siya.
maging bukang bibig ng magulang nya. na kung meron mang babaeng gusto nilang makatuluyan ng anak nila, e ako daw yun. ansaklap. kung meron lang sanang sumpang pede gamitin para makapagpabago ng tibok ng puso mo eh di sana'y matagal ko nang ginawa.
ang palaging umasa. na sana'y kinabukasan mag iba ang ihip ng hangin at matutunan ka nyang mahalin. yung maisip nya na kahit you're one of the boys eh, babae ka pa rin na may pusong nangangarap na mahalin at alagaan. ang pusong lihim nyang pinapasaya sa bawat tapik sa balikat at akap nya sa tuwing nangangamusta. ang puso na walang ibang tinatangi at minamahal kundi siya.
nakakainis nga lang dahil kahit balibaliktarin ang mundo, hindi na magiging kami.
dahan dahang bumabalik sa 'kin ang mga alaala ng lugar na ito. halos dinig ko pa din ang bawat halakhakan at iyakan ng buong tropa noong huli nating pagtitipon tipon. kantahan, sayawan, kantyawan na para bang yun na ang magiging huling araw natin na magkakasama. pero mas nde ko makakalimutan ang ngiti mo noon habang kaharap at kausap mo si Ynna.
si Ynna na matalik kong kaibigan. si Ynna na tinatangi ng puso mo.
naaalala ko ang minsang paguusap natin. nag away kayo at napagdesisyunan nyang makipagbreak sa iyo. todo ang iyak mo nun. para bang batang inagawan ng kendi. syempre, bilang kaibigan mo, dinamayan kita. hinayaan kitang ilabas ang lahat ng sama ng loob mo.
humahagulgol ka. sobra kang nasaktan. pero bakit mas masakit sa 'kin ang makita kang nagkakaganyan?
dinaan ko sa pagkwento ng kung anu ano para lang malibang ka. at di ako nabigo. ngumiti ka. tumawa. yan ang gusto ko sa iyo, mababaw kang tao. kahit korny yung joke, humahagalpak ka agad sa tawa. kaya nga naisip kong bagay sana tayo eh.
sana. ganun naman lagi. sanay na sanay na akong mangarap ng gising.
.........
nabalitaan ko ang paghihiwalay ninyong mag asawa. di ko alam kung dapat ba akong maging malungkot ngayong makakawala ka na sa problema nyo na matagal mo nang dinadala? o dapat bang maging masaya ako ngayong malaya ka na....ulit.
ang buhay nga naman anu, kung sino pa ang nagmamahal ng totoo, siya pa ang laging nasasaktan...
nandito ka rin pala. uy, 'kaw pala. lagi mo pa rin pa lang dinadalaw ang lugar na to. ah, uu. mas ok dito eh. tahimik.
tahimik nga. nakakabinging katahimikan. di ka na nagsasalita. wala na rin akong maisip na pwedeng sabihin o ikwento man lang.
naalala mo pa ba yung huling text ko sa iyo? oo. gusto ko lang malaman mo na sincere ako nung sinabi ko yun.
tahimik ulit.
mauna na siguro ako, gabi na pala eh. si..sige, ingat ka pauwi.
ngumiti ako sa iyo. tumalikod at humakbang palayo. ayokong makita mong naluluha ako. at mas lalong ayokong marinig na sambitin mo ulit sa akin yun.
The words have been drained from this pencil Sweet words that I want to give you And I can't sleep I need to tell you Goodnight
When we're together, I feel perfect When I'm pulled away from you, I fall apart All you say is sacred to me Your eyes are so blue I can't look away As we lay in the stillness You whisper to me
Amy, marry me Promise you'll stay with me Oh you don't have to ask me You know you're all that I live for You know I'd die just to hold you Stay with you Somehow I'll show you That you are my night sky I've always been right behind you Now I'll always be right beside you
So many nights I cried myself to sleep Now that you love me, I love myself I never thought I would say this I never thought there'd be You
Today is exactly two years mula nung nagkakilala tayo. Naalala mo pa ba? Pinakilala ka sa akin ng pinsan mong si arki na siya ring may birthday nun. Ang ganda ng ngiti mo ng sinabi mo ang pangalan mo. Nakipagkamay ka sa akin nun, feeling ko nakuryente ako. Gusto ko na sanang isipin na ikaw na nga ang soulmate ko nang biglang mong sinabing, "ay kulot ka pala". Hindi ko alam kung tatanggapin ko bang isang compliment yun o isang natural mong pang aasar. Kung di lang ako marunong magtimpi, malamang may isang tao akongng tinadyakan nung gabing yun.
Matagal na din pala tayong magkakilala. Kapag nagkikita tayo, dati hi & hello lang tayo. Ang gara pa nga ng mga shout outs natin nun sa friendster eh. "In a Relationship". Ang taray! Pero pag pinapalitan ko naman yung sa akin ng "it's complicated", binabago mo naman agad yung sa iyo, "SINGLE". Ewan ko lang kung may kahulugan yun o sadyang nangungulit ka lang.
Ni minsan di ko inisip na dumating ang oras na magkaron tayo ng panahong makilala ang isa't isa. Not until that one fine sunday.
Sabay tayong nagsimba. Sinadya kong ikaw ang huli kong nilingon ng mag 'peace be with you'. Siguro dahil sa gusto ko ulit makita yung ngiting una kong nakita nung nagkakilala tayo. Nagkasala nga siguro ako sa pagsimba kong yun, lumilipad ang isip ko.
Niyaya mo akong mananghalian. Akala ko sa isang restaurant tayo kakain. Hindi pala. Nagulat na lang ako nang nandun na tayo sa bahay nyo. Sa isip ko, Nakakaloka to!. Magkahalo na ata ang nararamdaman ko noon. Bigla akong na-tense sabay parang nae-ebs. Parang gusto ko na lang yatang umuwi. Pero sabi mo nga, magrelaks ako at mag enjoy sa "date" nating yun. [ramdam ko ang haba ng buhok ko, 'gang kabilang kanto hehe]
Mabait naman ang pamilya mo. Di man ako nakakain ng maayos sa nerbyos, kahit papanu masaya ako. Ang saya nila kausap. Makuwela. Makukulit. Ngayon, alam ko na kung bakit ganun ka din.
Inihatid mo na ako nun pauwi, nang bigla mong napansin ang palubog na araw sabay sabing, "di ba paborito mo ang sunsets?"
Tumango ako.
"Paano mo nalaman? Naikwento ko ba sa iyo?", sa isip ko.
Ang ganda ng ngiti mo paglingon ko sa iyo. Ayan na naman ang ngiting yan.
Natapos ang araw na yun ng puro pasasalamat ko sa iyo at sa pamilya mo. Masaya ako na nakilala ko sila at syempre mas masaya ako na nakasama din kita.
Thank you, dahil tinulungan mo akong makita yung mga bagay na mas maganda at mas mahalaga pa kaysa sa mga bagay na inaakala ko. Sometimes, the simplest things are the best, ika mo nga.
Thank you, dahil ni minsan wala akong narinig na panghuhusga galing sa iyo. Kahit pa alam mo ang buong kwento ng buhay ko.
At higit sa lahat, maraming salamat dahil nagkaroon ulit ako ng rason para ngumiti at maging masaya sa bawat pag gising ko.
Gusto ko lang sabihin..... ikaw ang nagpapatibok ng puso ko.
Kung sana lang, lahat ng 'to ay nasabi ko sa iyo ng personal.
wala talagang mapapala ang isang taong inaantok at pilit butingtingin ang isang bagay na wala naman syang kaalam alam at pinaiiral pa ang kanyang katangahan.
kaya, crappy, sa susunod, i-save mo muna yang existing template mo bago ka mag download ng panibago at diretsong i-save ha?
mahirap pa naman magpuyat nang dahil lang sa kalikutan ng kamay.
p.s buti na lang memorize ko ang kantang to habang kinukumpuni ko ang blog ko.
:D matagal na din pala akong nde nakapag update. dalawa lang naman ang naging rason kung bat inaagiw na tong pahinang to eh. una, naging busy ako sa pagiging isang #-o yaya slash tagaluto. pangalawa, :P tinatamad na talaga ako mag blog. [ hehe ;)) ayan kasi. sino ba nag utos sa 'kin na magblog?] pero uy, di ako susuko sa gawaing to anu. mas ok nga to eh, malilibang ako dito at malaya kong maisigaw kung anu man ang nasa loob ko. halimbawa ng mga 'to.....
pag naging isang "yaya" ka pala, kasama na din doon yung paglalaba? #-o
nde pala lahat ng magagandang laruan eh nakapagpatahan sa baby. susme, napipiyok na ko sa paulit ulit na paghehele sa kanya, di pa rin umipek! ~x(
minsan, storbo yung pagtitext lalo na't konting konte na lang pipikit na ang mga mata ni baby.
Reverse Mortgage Perks to Ponder When You Retire
-
The moment you retire, you will realize that your income is way lower
compared to what you used to receive. As such, you may need to take out a
mortgage on...
Unang First
-
Maraming kwentong pananakot sa ‘kin ang mga kapatid ko tungkol sa buhay
“may asawa” nung ako’y nagbabalak na. Trip na trip nilang nakikita yung
mukha kong ...
Invitation
-
We sometimes come to a time when we feel tired of life. But as the old
cliche' goes, " Life has to go on."
A lot of times I had the urgency of writing to m...
SPONGEBOB
-
*Who knows where life will take you,the road is long and in the end the
journey is the destination.*
*-Lucas Scott, One Three Hill*
Tandaan mo nga...
3 years
-
Parang kelan lang nung pasimple kitang sinusulyapan at pinagnanasahan.
Umaasang mapatingin ka rin kahit hindi sakto sa akin, at mapangiting para
lang napuw...
usapang choknat
-
*scene 1 (yung laptop di nilagay ng ate ko sa lagayan.) *
choknat: bakit di mo nilagay sa lalagyan?
ate ko: mainit pa kasi nung i-shutdown ko.
choknat: da...