Showing posts with label in love?. Show all posts
Showing posts with label in love?. Show all posts

Friday, July 24, 2009

i'm just a little too not over you

I've known you for so long
You are a friend of mine


- simula pagkabata kilala na kita. sipunin, tsaka lahat ng balat mo sa katawan nakita ko na ata. kasakasama kaya kita sa mga inosenteng kalokohang pakana mo rin lang noon. pati yung kung panu mo tinirador yung lasenggong ngongo na kapitbahay natin. hehe. buti na lang marunong yun umilag. kala ko nga masasapol mo sa mukha eh. kung nagkataon, yari ka sana. hirap pa naman pag nagmumura yun, di mo magegets.


But is this all we'd ever be?


- tanggap ko na, na ganito tayo. mag jowa. este mag bespren. lahat nasasabi mo sa kin. problema sa kuya mo, problema sa trabaho at problema sa salitang tinatawag na lovelife. sino ba kasi nag imbento ng salitang yun. sayang at one way lang ang sumbungan natin. di ko kasi makukwento sa iyo ang problema ko sa lovelife ko. (naks!) it's either pagtatawanan mo lang ako o di ka makakarelate. uu, ganun ka ka-selfish. haha jowk.


I've loved you ever since
You are a friend of mine
But babe, is this all we ever could be?



- di naman since birth eh, labs na kita. kung di ako nagkakamali mula nung inupakan mo yung unang chikboy na nagkamaling nanligaw este naligaw sa amin. sayang at huli ko nang na realize kung bakit mo siya nabukolan. mali man ako ng iniisip, eh wag ka na pumalag. eh sa gusto kong isiping nagseselos ka nun eh. *winks*

pero mula noon, kinilig na ako sa iyo, alam mo ba?


You tell me things I've never known
I've shown you love you've never shown


- ba't kaya di ko magawang magsawa na makinig sa mga kuwento mong di ako interesadong malaman
. kuwentong kaweirduhan, kabaklaan at kababalaghan. pati tsismis pinapatulan mo na rin. sa mga ganitong pagkakataon, anu kaya ang naiisip mo sa akin? minsan gusto ko rin sapakin ang sarili ko. ni katiting na pagaalala man lang sa kin di mo nga makuhang magawa eh.


But then again, when you cry
I'm always at your side
You tell me 'bout the love you've had
I listen very eagerly


- alas dos o alas tres ng madaling araw, tumatawag ka para lumabas ako dun sa may gate. yun pala para lang makita kitang umiiyak. na naman. pang ilang break-up na ba yun. ewan ko ba at nagtatyaga pa akong pakinggan ang lovelife mong magulo.



But deep inside you'll never see

This feeling of emptiness

It makes me feel sad
But then again I'm glad


- kung alam mo lang ang nararamdaman ko sa tuwing nalulungkot ka. kung alam mo lang kung panu ako umakting na parang wala pag nalalaman kong nakipagbalikan ka ulit sa kanya. haaayy...


I've known you all my life

You are a friend of mine

I know this is how it's gonna be



- kaibigan. bespren. katext. kakulitan. shock absorber. alila. kinakapatid *straight face*


I've loved you then
and I love you still

You're a friend of mine

Now, I know friends are all we ever could be



- tama nga ang sinabi ni bob ong....

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

Saturday, July 4, 2009

update

adusmahirap talaga ang magkasakit.
di kinaya ng iniinom kong vitamin C ang "sinat" powers na dumapo sa kin. nagtimpla na ko ng calamansi juice, orange juice, pineapple juice, carrot juice at kung anu ano pang juice. juice meyo! walang epek. takte, wala rin naman kasing kalasa lasa kung plain na tubig lang iinumin ko.kung kelan nakatambak ang mga gawain ko sa opisina, saka pa ako nagkaron ng lagnat. di ko na lang sana iisipin yun habang nagpapahinga ako dito sa bahay, pero ang mga makukulit kong officemates, panay text. buti sana kung nangungumusta at nagpaparamdam sabay sabi ng get well soon. kaso nde.

"
angkatkeningyung files ni client chuva, san nakalagay?",
"ketukmejeyung report nagawa mo na?",
tsaka ang pinaka matindi.....
"
takbolepagaling kna kagad, may client presentation tayo sa tuesday".
o di ba, ang lalambing nila?!tension

minsan iniisip ko mga robot ata ang mga 'to. walang pakiramdam.

sa madaling sabi, di rin ako nakapag pahinga ng husto.

the more na iniistorbo nila ang pagrerelaks ko, the more na pinapatay ko celpon ko. tsaka, hellooow... kaya nga wala ako sa office kasi di ako pede mag trabaho, tas dito sa bahay inaabala nyo ako ng ganun ganun na lang? antayin nyo lang ang pag aariba ng pagka pasaway ko't next year na ako magpapakita sa lintek na opisinang yan.

kala siguro nila madali lang ang magkasakit. kala siguro nila nakakatuwang tignan yung kisame na halos madadaganan ka na sa kakatitig. pati nga ata lungga ng mga butiki kabisado ko na kung saan saan sila nagsususuot eh.

tsaka eto pa, kabisado ko na oras ng mga palabas sa TV buong maghapon. gelakguling
ampogi pala ni jc de vera haha.
at crush ko na din ata si jun pyo.

kung sabagay, may magandang naidudulot din ang pagtambay dito sa bahay.

nakakapaglambing ako kay nanay.
nakakakain ako ng mga paborito kong pagkain.
nakakarelaks (kasi off na celpon e).
at nakakatanggap pa ng dalaw ng isang ispesyal na kaibigan. kenyit

mali pala ang ispeling sa itaas.

di pala lagnat.

love-nat.

Wednesday, June 24, 2009

cheesey

Mr. M.,

Today is exactly two years mula nung nagkakilala tayo. Naalala mo pa ba? Pinakilala ka sa akin ng pinsan mong si arki na siya ring may birthday nun. Ang ganda ng ngiti mo ng sinabi mo ang pangalan mo. Nakipagkamay ka sa akin nun, feeling ko nakuryente ako. Gusto ko na sanang isipin na ikaw na nga ang soulmate ko nang biglang mong sinabing, "ay kulot ka pala". Hindi ko alam kung tatanggapin ko bang isang compliment yun o isang natural mong pang aasar. Kung di lang ako marunong magtimpi, malamang may isang tao akongng tinadyakan nung gabing yun.

Matagal na din pala tayong magkakilala. Kapag nagkikita tayo, dati hi & hello lang tayo. Ang gara pa nga ng mga shout outs natin nun sa friendster eh. "In a Relationship". Ang taray! Pero pag pinapalitan ko naman yung sa akin ng "it's complicated", binabago mo naman agad yung sa iyo, "SINGLE". Ewan ko lang kung may kahulugan yun o sadyang nangungulit ka lang.

Ni minsan di ko inisip na dumating ang oras na magkaron tayo ng panahong makilala ang isa't isa. Not until that one fine sunday.

Sabay tayong nagsimba. Sinadya kong ikaw ang huli kong nilingon ng mag 'peace be with you'. Siguro dahil sa gusto ko ulit makita yung ngiting una kong nakita nung nagkakilala tayo. Nagkasala nga siguro ako sa pagsimba kong yun, lumilipad ang isip ko.

Niyaya mo akong mananghalian. Akala ko sa isang restaurant tayo kakain. Hindi pala. Nagulat na lang ako nang nandun na tayo sa bahay nyo. Sa isip ko, Nakakaloka to!. Magkahalo na ata ang nararamdaman ko noon. Bigla akong na-tense sabay parang nae-ebs. Parang gusto ko na lang yatang umuwi. Pero sabi mo nga, magrelaks ako at mag enjoy sa "date" nating yun. [ramdam ko ang haba ng buhok ko, 'gang kabilang kanto hehe]

Mabait naman ang pamilya mo. Di man ako nakakain ng maayos sa nerbyos, kahit papanu masaya ako. Ang saya nila kausap. Makuwela. Makukulit. Ngayon, alam ko na kung bakit ganun ka din.

Inihatid mo na ako nun pauwi, nang bigla mong napansin ang palubog na araw sabay sabing, "di ba paborito mo ang sunsets?"

Tumango ako.

"Paano mo nalaman? Naikwento ko ba sa iyo?", sa isip ko.

Ang ganda ng ngiti mo paglingon ko sa iyo. Ayan na naman ang ngiting yan.

Natapos ang araw na yun ng puro pasasalamat ko sa iyo at sa pamilya mo. Masaya ako na nakilala ko sila at syempre mas masaya ako na nakasama din kita.

Thank you, dahil tinulungan mo akong makita yung mga bagay na mas maganda at mas mahalaga pa kaysa sa mga bagay na inaakala ko. Sometimes, the simplest things are the best, ika mo nga.

Thank you, dahil ni minsan wala akong narinig na panghuhusga galing sa iyo. Kahit pa alam mo ang buong kwento ng buhay ko.

At higit sa lahat, maraming salamat dahil nagkaroon ulit ako ng rason para ngumiti at maging masaya sa bawat pag gising ko.

Gusto ko lang sabihin..... ikaw ang nagpapatibok ng puso ko.

Kung sana lang, lahat ng 'to ay nasabi ko sa iyo ng personal.Add Image




Monday, June 22, 2009

:)


lovemalulove


Music