Showing posts with label rants. Show all posts
Showing posts with label rants. Show all posts

Friday, April 16, 2010

asar!

sana may taglay akong kapangyarihan sa mga oras na 'to.

gusto kong gawing isang "ZOMBIE" ang sarili ko. manhid. yung di marunong makakaramdam ng sakit, pagod, lungkot at saya. yung nakatingin lang sa malayo pero walang iniisip. yung 'bingi' sa mga kwentong puro problema lang din ang dala sa paligid. panu kaya yun?

lance: ok ka lang?
kaye: uu (nakatingin sa malayo)
lance: sure?
kaye: uu
lance: huuyy!!!
kaye: huh! (gulat)
lance: anu ba nangyayari sau? ok ka lang?
kaye: uu


sa dami ng mga bagay na nag-aagawang pumasok sa isip ko, di ko na din ata alam kung saang lupalop ako nandun. blanko na ata talaga. takte! dati di naman ako ganito ah. talaga nga atang ganun kalaki ang problemang 'to para mawindang ako ng ganito. kainis.

ayokong magpa apekto.
nyemas talaga. ayokoooo naaaaaaa !!!

Friday, June 26, 2009

basta, yun na!

orocan. naiinis ako sa iyo. sa lahat ba naman ng pinapasyalan ko, ikaw na pinakapaborito ang siya pang gagawa ng ganun. bakit? porke't marami kang tagahanga? sus, ganun na lang ba talaga yun? bakit anu ba ang pinagkaiba ko sa kanila. pare pareho lang tayong mamamatay ng nakapikit at pantay ang mga tuhod hoy! kala mo ha. kung isang simpleng pasalamat na lang ba sana ang binati mo sa kin eh, maappreciate ko pa. kaso halatang may halong kaplastikan. di bale na nga. di na kita crush!tension

user. isa ka pa. namamansin ka lang naman para makita ng tao na marami kang karamay. tingin mo ba di ko napapansin yun? at akala mo siguro mauuto mo ako anu? sori ka na lang. di ako cheap katulad ng mga taong nakapaligid sa iyo. panget man ako, pero di ako marunong manggamit at magpagamit ng tao. nde katulad mo. hmp!merajuk

tomas. may nagsabing napadaan ka raw minsan. salamat naman at natunton mo na tong kota ko. di ka pa rin nagbabago. sayang. akala ko pa naman.... tama nga ang sabi nila, maraming nagkakamali sa maling akala.adus

ang mga nakasulat sa itaas ay tumutukoy sa iisang tao na nambwisit sa 'kin kanina sa opisina.

at naniniwala pa rin ako sa kasabihang,

"express yourself"


Tuesday, May 5, 2009

haunting memories

ayoko nang balikan ang mga alaalang pilit ko nang kinakalimutan.
at mas lalong ayoko nang pag usapan pa ang mga bagay tungkol sa nakaraan.
anu pa nga ba ang saysay nun?
wala na di ba?
pero heto ka at nagpaparamdam na naman.
nakngtokwa.
pwedi bang tigilan mo na ang kalokohang ito?
pareho lang tayong walang mapapala sa mga ganitong pangyayari.
nagtatanong ka kung mahal pa rin ba kita?
bakit, mahalaga pa bang malaman mo yun?
magbabago ba ang ikot ng mundo ko sa katiting na sagot ko?
pero sige.
aaminin ko.
tanga ako.
at alam mo na kung anu ang ibig sabihin nun.