Wednesday, July 15, 2009

adik

dalwang abnoy na nagpang abot sa isang kapehan.


Friday, July 10, 2009

"bench"


dahan dahang bumabalik sa 'kin ang mga alaala ng lugar na ito. halos dinig ko pa din ang bawat halakhakan at iyakan ng buong tropa noong huli nating pagtitipon tipon. kantahan, sayawan, kantyawan na para bang yun na ang magiging huling araw natin na magkakasama. pero mas nde ko makakalimutan ang ngiti mo noon habang kaharap at kausap mo si Ynna.

si Ynna na matalik kong kaibigan.
si Ynna na tinatangi ng puso mo.

naaalala ko ang minsang paguusap natin. nag away kayo at napagdesisyunan nyang makipagbreak sa iyo. todo ang iyak mo nun. para bang batang inagawan ng kendi. syempre, bilang kaibigan mo, dinamayan kita. hinayaan kitang ilabas ang lahat ng sama ng loob mo.

humahagulgol ka. sobra kang nasaktan. pero bakit mas masakit sa 'kin ang makita kang nagkakaganyan?

dinaan ko sa pagkwento ng kung anu ano para lang malibang ka. at di ako nabigo. ngumiti ka. tumawa. yan ang gusto ko sa iyo, mababaw kang tao. kahit korny yung joke, humahagalpak ka agad sa tawa. kaya nga naisip kong bagay sana tayo eh.

sana.
ganun naman lagi.
sanay na sanay na akong mangarap ng gising.

.........

nabalitaan ko ang paghihiwalay ninyong mag asawa. di ko alam kung dapat ba akong maging malungkot ngayong makakawala ka na sa problema nyo na matagal mo nang dinadala? o dapat bang maging masaya ako ngayong malaya ka na....ulit.

ang buhay nga naman anu, kung sino pa ang nagmamahal ng totoo, siya pa ang laging nasasaktan...

nandito ka rin pala.
uy, 'kaw pala.
lagi mo pa rin pa lang dinadalaw ang lugar na to.
ah, uu. mas ok dito eh. tahimik.

tahimik nga. nakakabinging katahimikan. di ka na nagsasalita.
wala na rin akong maisip na pwedeng sabihin o ikwento man lang.

naalala mo pa ba yung huling text ko sa iyo?
oo.
gusto ko lang malaman mo na sincere ako nung sinabi ko yun.

tahimik ulit.

mauna na siguro ako, gabi na pala eh.
si..sige, ingat ka pauwi.

ngumiti ako sa iyo.
tumalikod at humakbang palayo.
ayokong makita mong naluluha ako.
at mas lalong ayokong marinig na sambitin mo ulit sa akin yun.

.... you're the best i've ever had..


................................

ayoko na.
kapagod nang umasa.








nakakalokang signs



bawal hawakan, "wit" pa daw




makakarating kay death yan




sino daw?




ginagawa na po




katakot ka naman




pede bang ihagis yan?




full na daw




white kaya pwedi?




kyut naman ng beer




eh yung lig, magkano din kaya?



Wednesday, July 8, 2009

y0u






The words have been drained from this pencil
Sweet words that I want to give you
And I can't sleep
I need to tell you
Goodnight

When we're together, I feel perfect
When I'm pulled away from you, I fall apart
All you say is sacred to me
Your eyes are so blue
I can't look away
As we lay in the stillness
You whisper to me

Amy, marry me
Promise you'll stay with me
Oh you don't have to ask me
You know you're all that I live for
You know I'd die just to hold you
Stay with you
Somehow I'll show you
That you are my night sky
I've always been right behind you
Now I'll always be right beside you

So many nights I cried myself to sleep
Now that you love me, I love myself
I never thought I would say this
I never thought there'd be
You

it must have been love

isang lalake ang nakasabay ko sa jeep kanina.

matangkad. gwapo. gentleman. ahahaayy...
boyfriend material.love

tsaka, ang linis ng kuko nya. syempre, tiningnan ko nung iniabot nya sa kin yung pamasahe nya. nde sya yung tipong mayabang ang dating, at mas lalong nde rin sya suplado.

panay ang smile nya.
adusdi nga lang sa kin. [haha asa pa ko].
kundi, dun kay lola na nakaupo sa tabi nya.

sa isip ko, siguro maraming girls ang nagkakandarapa sa kanya.
sobrang byutipol din siguro ng gelpren nya.
di ba ganun yun, si gwapo ay para kay maganda.
gataikaya nga di na ko umaasa pa eh, bwahaha


rindunagiisip na sana ako ng kantang nababagay sa 'ming dalawa kung sakaling rindu pagbibigyan kami ng pagkakataon na magkakasama kami, nang biglang tumunog ang celpon nya.

.............................................

...................

.......


sayang. sighnag dahil sa ringtone na yun,
biglang naglaho ang lahat ng paghanga ko sa kanya.

pasensya na.
tao lang din ako.
minus pogi points talaga yung makarinig ako ng mga linyang ganitoaround ....

I'm never gonna dance again
Cause guilty feet have got no rhythm
Though it's easy to pretend
I know you're not a fool


Saturday, July 4, 2009

update

adusmahirap talaga ang magkasakit.
di kinaya ng iniinom kong vitamin C ang "sinat" powers na dumapo sa kin. nagtimpla na ko ng calamansi juice, orange juice, pineapple juice, carrot juice at kung anu ano pang juice. juice meyo! walang epek. takte, wala rin naman kasing kalasa lasa kung plain na tubig lang iinumin ko.kung kelan nakatambak ang mga gawain ko sa opisina, saka pa ako nagkaron ng lagnat. di ko na lang sana iisipin yun habang nagpapahinga ako dito sa bahay, pero ang mga makukulit kong officemates, panay text. buti sana kung nangungumusta at nagpaparamdam sabay sabi ng get well soon. kaso nde.

"
angkatkeningyung files ni client chuva, san nakalagay?",
"ketukmejeyung report nagawa mo na?",
tsaka ang pinaka matindi.....
"
takbolepagaling kna kagad, may client presentation tayo sa tuesday".
o di ba, ang lalambing nila?!tension

minsan iniisip ko mga robot ata ang mga 'to. walang pakiramdam.

sa madaling sabi, di rin ako nakapag pahinga ng husto.

the more na iniistorbo nila ang pagrerelaks ko, the more na pinapatay ko celpon ko. tsaka, hellooow... kaya nga wala ako sa office kasi di ako pede mag trabaho, tas dito sa bahay inaabala nyo ako ng ganun ganun na lang? antayin nyo lang ang pag aariba ng pagka pasaway ko't next year na ako magpapakita sa lintek na opisinang yan.

kala siguro nila madali lang ang magkasakit. kala siguro nila nakakatuwang tignan yung kisame na halos madadaganan ka na sa kakatitig. pati nga ata lungga ng mga butiki kabisado ko na kung saan saan sila nagsususuot eh.

tsaka eto pa, kabisado ko na oras ng mga palabas sa TV buong maghapon. gelakguling
ampogi pala ni jc de vera haha.
at crush ko na din ata si jun pyo.

kung sabagay, may magandang naidudulot din ang pagtambay dito sa bahay.

nakakapaglambing ako kay nanay.
nakakakain ako ng mga paborito kong pagkain.
nakakarelaks (kasi off na celpon e).
at nakakatanggap pa ng dalaw ng isang ispesyal na kaibigan. kenyit

mali pala ang ispeling sa itaas.

di pala lagnat.

love-nat.