orocan. naiinis ako sa iyo. sa lahat ba naman ng pinapasyalan ko, ikaw na pinakapaborito ang siya pang gagawa ng ganun. bakit? porke't marami kang tagahanga? sus, ganun na lang ba talaga yun? bakit anu ba ang pinagkaiba ko sa kanila. pare pareho lang tayong mamamatay ng nakapikit at pantay ang mga tuhod hoy! kala mo ha. kung isang simpleng pasalamat na lang ba sana ang binati mo sa kin eh, maappreciate ko pa. kaso halatang may halong kaplastikan. di bale na nga. di na kita crush!
user. isa ka pa. namamansin ka lang naman para makita ng tao na marami kang karamay. tingin mo ba di ko napapansin yun? at akala mo siguro mauuto mo ako anu? sori ka na lang. di ako cheap katulad ng mga taong nakapaligid sa iyo. panget man ako, pero di ako marunong manggamit at magpagamit ng tao. nde katulad mo. hmp!
tomas. may nagsabing napadaan ka raw minsan. salamat naman at natunton mo na tong kota ko. di ka pa rin nagbabago. sayang. akala ko pa naman.... tama nga ang sabi nila, maraming nagkakamali sa maling akala.
ang mga nakasulat sa itaas ay tumutukoy sa iisang tao na nambwisit sa 'kin kanina sa opisina.
Today is exactly two years mula nung nagkakilala tayo. Naalala mo pa ba? Pinakilala ka sa akin ng pinsan mong si arki na siya ring may birthday nun. Ang ganda ng ngiti mo ng sinabi mo ang pangalan mo. Nakipagkamay ka sa akin nun, feeling ko nakuryente ako. Gusto ko na sanang isipin na ikaw na nga ang soulmate ko nang biglang mong sinabing, "ay kulot ka pala". Hindi ko alam kung tatanggapin ko bang isang compliment yun o isang natural mong pang aasar. Kung di lang ako marunong magtimpi, malamang may isang tao akongng tinadyakan nung gabing yun.
Matagal na din pala tayong magkakilala. Kapag nagkikita tayo, dati hi & hello lang tayo. Ang gara pa nga ng mga shout outs natin nun sa friendster eh. "In a Relationship". Ang taray! Pero pag pinapalitan ko naman yung sa akin ng "it's complicated", binabago mo naman agad yung sa iyo, "SINGLE". Ewan ko lang kung may kahulugan yun o sadyang nangungulit ka lang.
Ni minsan di ko inisip na dumating ang oras na magkaron tayo ng panahong makilala ang isa't isa. Not until that one fine sunday.
Sabay tayong nagsimba. Sinadya kong ikaw ang huli kong nilingon ng mag 'peace be with you'. Siguro dahil sa gusto ko ulit makita yung ngiting una kong nakita nung nagkakilala tayo. Nagkasala nga siguro ako sa pagsimba kong yun, lumilipad ang isip ko.
Niyaya mo akong mananghalian. Akala ko sa isang restaurant tayo kakain. Hindi pala. Nagulat na lang ako nang nandun na tayo sa bahay nyo. Sa isip ko, Nakakaloka to!. Magkahalo na ata ang nararamdaman ko noon. Bigla akong na-tense sabay parang nae-ebs. Parang gusto ko na lang yatang umuwi. Pero sabi mo nga, magrelaks ako at mag enjoy sa "date" nating yun. [ramdam ko ang haba ng buhok ko, 'gang kabilang kanto hehe]
Mabait naman ang pamilya mo. Di man ako nakakain ng maayos sa nerbyos, kahit papanu masaya ako. Ang saya nila kausap. Makuwela. Makukulit. Ngayon, alam ko na kung bakit ganun ka din.
Inihatid mo na ako nun pauwi, nang bigla mong napansin ang palubog na araw sabay sabing, "di ba paborito mo ang sunsets?"
Tumango ako.
"Paano mo nalaman? Naikwento ko ba sa iyo?", sa isip ko.
Ang ganda ng ngiti mo paglingon ko sa iyo. Ayan na naman ang ngiting yan.
Natapos ang araw na yun ng puro pasasalamat ko sa iyo at sa pamilya mo. Masaya ako na nakilala ko sila at syempre mas masaya ako na nakasama din kita.
Thank you, dahil tinulungan mo akong makita yung mga bagay na mas maganda at mas mahalaga pa kaysa sa mga bagay na inaakala ko. Sometimes, the simplest things are the best, ika mo nga.
Thank you, dahil ni minsan wala akong narinig na panghuhusga galing sa iyo. Kahit pa alam mo ang buong kwento ng buhay ko.
At higit sa lahat, maraming salamat dahil nagkaroon ulit ako ng rason para ngumiti at maging masaya sa bawat pag gising ko.
Gusto ko lang sabihin..... ikaw ang nagpapatibok ng puso ko.
Kung sana lang, lahat ng 'to ay nasabi ko sa iyo ng personal.
Reverse Mortgage Perks to Ponder When You Retire
-
The moment you retire, you will realize that your income is way lower
compared to what you used to receive. As such, you may need to take out a
mortgage on...
Unang First
-
Maraming kwentong pananakot sa ‘kin ang mga kapatid ko tungkol sa buhay
“may asawa” nung ako’y nagbabalak na. Trip na trip nilang nakikita yung
mukha kong ...
Invitation
-
We sometimes come to a time when we feel tired of life. But as the old
cliche' goes, " Life has to go on."
A lot of times I had the urgency of writing to m...
SPONGEBOB
-
*Who knows where life will take you,the road is long and in the end the
journey is the destination.*
*-Lucas Scott, One Three Hill*
Tandaan mo nga...
3 years
-
Parang kelan lang nung pasimple kitang sinusulyapan at pinagnanasahan.
Umaasang mapatingin ka rin kahit hindi sakto sa akin, at mapangiting para
lang napuw...
usapang choknat
-
*scene 1 (yung laptop di nilagay ng ate ko sa lagayan.) *
choknat: bakit di mo nilagay sa lalagyan?
ate ko: mainit pa kasi nung i-shutdown ko.
choknat: da...