
di kinaya ng iniinom kong vitamin C ang "sinat" powers na dumapo sa kin. nagtimpla na ko ng calamansi juice, orange juice, pineapple juice, carrot juice at kung anu ano pang juice. juice meyo! walang epek. takte, wala rin naman kasing kalasa lasa kung plain na tubig lang iinumin ko.

"

"

tsaka ang pinaka matindi.....
"

o di ba, ang lalambing nila?!

minsan iniisip ko mga robot ata ang mga 'to. walang pakiramdam.
sa madaling sabi, di rin ako nakapag pahinga ng husto.
the more na iniistorbo nila ang pagrerelaks ko, the more na pinapatay ko celpon ko. tsaka, hellooow... kaya nga wala ako sa office kasi di ako pede mag trabaho, tas dito sa bahay inaabala nyo ako ng ganun ganun na lang? antayin nyo lang ang pag aariba ng pagka pasaway ko't next year na ako magpapakita sa lintek na opisinang yan.
kala siguro nila madali lang ang magkasakit. kala siguro nila nakakatuwang tignan yung kisame na halos madadaganan ka na sa kakatitig. pati nga ata lungga ng mga butiki kabisado ko na kung saan saan sila nagsususuot eh.
tsaka eto pa, kabisado ko na oras ng mga palabas sa TV buong maghapon.

ampogi pala ni jc de vera haha.
at crush ko na din ata si jun pyo.
kung sabagay, may magandang naidudulot din ang pagtambay dito sa bahay.
nakakapaglambing ako kay nanay.
nakakakain ako ng mga paborito kong pagkain.
nakakarelaks (kasi off na celpon e).
at nakakatanggap pa ng dalaw ng isang ispesyal na kaibigan.

mali pala ang ispeling sa itaas.
di pala lagnat.
love-nat.
4 crap(s):
Haha. Pagaling ka na! :)
Ako rin next year na magpapakita sa lintik na ofis namin. haha
Kala ko kung sinong Jun Pyo. lol
cge sabay tayo, next yir na tayo papasok sa opis haha.
si jun pyo, yung labs ni jandi.
Naku. naka-receive na ako ng return to Work Order. haha. bahala na!
aba at namimiss ka pala ng mga officemates mo eh ;)
goodluck! haha
Post a Comment