Monday, July 20, 2009

emyu

ang hirap talaga magmahal ng bestfriend.

nandyan yung magpapaka "meantime girl" ka
. ibig sabihin "pansamantala" ka munang kapalit habang naghahanap pa sya ng kanyang "true and only love". kinakausap ka at nakikipag kulitan lang siya sa iyo dahil masaya kang kasama, masarap kausap at dahil alam nyang walang seryusong namamagitan sa inyo kundi simpleng magkakaibigan lamang. tinatawagan ka niya pag di siya sinipot ng ka date nya. at makikipagbiruan pa sa iyo na kung ikakasal man siya, ikaw ang pipiliin nyang bestman, suot suot ang amoy naptalinang tuxedo.

ang maging tagapakinig sa mga nakakaumay nyang kuwento. pero kung tutuusin, napapakilig ka naman habang tinititigan mo siya sa mata na nagkukuwento kung paanu nya nakilala ang bagong bebot na kinakarir nyang ligawan. lumilipad ang isip mo kung gaanu kasuwerte ang babaeng yun. na sana'y naging ikaw na lang siya.

maging bukang bibig ng magulang nya. na kung meron mang babaeng gusto nilang makatuluyan ng anak nila, e ako daw yun. ansaklap. kung meron lang sanang sumpang pede gamitin para makapagpabago ng tibok ng puso mo eh di sana'y matagal ko nang ginawa.

ang palaging umasa. na sana'y kinabukasan mag iba ang ihip ng hangin at matutunan ka nyang mahalin. yung maisip nya na kahit you're one of the boys eh, babae ka pa rin na may pusong nangangarap na mahalin at alagaan. ang pusong lihim nyang pinapasaya sa bawat tapik sa balikat at akap nya sa tuwing nangangamusta. ang puso na walang ibang tinatangi at minamahal kundi siya.

nakakainis nga lang dahil kahit balibaliktarin ang mundo, hindi na magiging kami.putuscinte

12 crap(s):

Camille Anne F. Tajon said...

Aww. Bakit naman sumuko ka na agad na never na mangyayari? Malay natin. :)

ACRYLIQUE said...

Mala jolina-marvin ba ito? hehe. Falling in-love with your bestfriend.

Honga, wag agad susuko. :)

PinkNote said...

Haha, parang ganyang ganyaan lang yung samin ng asawa ko.. sumuko rin ako ate crappy. nagkaboyfriend din ng iba.. pero nung sinaktan ako, aba biglang sumulpot at naging uber bestfriend talaga.after a month, nanligaw rin, sabi nya ni-risk na nya daw ang pagiging magbestfriend namin dahil ayaw na nya akong makitang sinasaktan ng iba.hahaha! akalain mo, sinukuan ko na..ganun cguro talaga yun, kung kayo tlaga, may mangyayari...;)

HARI NG SABLAY said...

aw sad. ok lang yan bsta di pa kinakasal may pag-asa pa,hehe o kahit ikasal may annulment pa namn,pero iba pa rin yung maayos,wag sumuko,malay nga natin dba :)

- A n g e l - said...

You're young and beautiful and smart and you will meet a lot of new people in the future. The right person will come, just make sure that when he does, you're not busy looking at the opposite direction ; )

crappy said...

@Camille

e panu kng nde na talaga? waaaaaa

crappy said...

@Acrylique

sana naging robot na lng din ako para di mapagod at sumuko :((

crappy said...

@PinkNote

sana nga maging ganyan yung saken. gusto ko maghope, pero...takte pag nakikita ko sila, (magpapakatotoo nko)...it really hurts. big time!

crappy said...

@Hari ng Sablay

mamya nito, nubentay nuebe anyos nko saka pa nya ako mapapansin. panu na kaya yun?

crappy said...

@Angel

yun eh kung sa kin din sya nakatingin huwaaa. ay naku lablayp nga naman.

manik_reigun said...

nakow. tama nga yang si bob ong.
pero teka, may gf ba si bob ong?
haha.
payt lang ng payt! XD

Crappy ^_^ said...

@Manik

tapos na po ang payt! talo nko :))