dahan dahang bumabalik sa 'kin ang mga alaala ng lugar na ito. halos dinig ko pa din ang bawat halakhakan at iyakan ng buong tropa noong huli nating pagtitipon tipon. kantahan, sayawan, kantyawan na para bang yun na ang magiging huling araw natin na magkakasama. pero mas nde ko makakalimutan ang ngiti mo noon habang kaharap at kausap mo si Ynna.
si Ynna na matalik kong kaibigan.
si Ynna na tinatangi ng puso mo.
naaalala ko ang minsang paguusap natin. nag away kayo at napagdesisyunan nyang makipagbreak sa iyo. todo ang iyak mo nun. para bang batang inagawan ng kendi. syempre, bilang kaibigan mo, dinamayan kita. hinayaan kitang ilabas ang lahat ng sama ng loob mo.
humahagulgol ka. sobra kang nasaktan. pero bakit mas masakit sa 'kin ang makita kang nagkakaganyan?
dinaan ko sa pagkwento ng kung anu ano para lang malibang ka. at di ako nabigo. ngumiti ka. tumawa. yan ang gusto ko sa iyo, mababaw kang tao. kahit korny yung joke, humahagalpak ka agad sa tawa. kaya nga naisip kong bagay sana tayo eh.
sana.
ganun naman lagi.
sanay na sanay na akong mangarap ng gising.
.........
nabalitaan ko ang paghihiwalay ninyong mag asawa. di ko alam kung dapat ba akong maging malungkot ngayong makakawala ka na sa problema nyo na matagal mo nang dinadala? o dapat bang maging masaya ako ngayong malaya ka na....ulit.
ang buhay nga naman anu, kung sino pa ang nagmamahal ng totoo, siya pa ang laging nasasaktan...
nandito ka rin pala.
uy, 'kaw pala.
lagi mo pa rin pa lang dinadalaw ang lugar na to.
ah, uu. mas ok dito eh. tahimik.
tahimik nga. nakakabinging katahimikan. di ka na nagsasalita.
wala na rin akong maisip na pwedeng sabihin o ikwento man lang.
naalala mo pa ba yung huling text ko sa iyo?
oo.
gusto ko lang malaman mo na sincere ako nung sinabi ko yun.
tahimik ulit.
mauna na siguro ako, gabi na pala eh.
si..sige, ingat ka pauwi.
ngumiti ako sa iyo.
tumalikod at humakbang palayo.
ayokong makita mong naluluha ako.
at mas lalong ayokong marinig na sambitin mo ulit sa akin yun.
.... you're the best i've ever had..
................................
ayoko na.
kapagod nang umasa.
6 crap(s):
"you're the best i've ever had."
whoo. that is the same line i always say to myself. how i wish i could say the same line to him (an ex)..
basta, don't forget to smile. SMILE. SMILE. BE HAPPY.
Nalala ko tuloy ang vertical horizon. :)
You're the best i've ever had. :)
reminds me of someone na malakas ang tama sa asawa ko..hehehe
todo iyak din nung ikasal kami.. i feel for her..
wala na ko balita sa kanya but im sure mahahanap rin nya ang binigay ng Diyos para lang sakanya...walang kaagaw, walang kahati, at hindi sya tira-tirahan..:)
ate crappy, ganda ng story..:)
@aLgene
uu nga, smile pa din.
(kahit nagdurugo ang puso haha)
salamat sa pagbisita ;)
@ACRYLIQUE
ako din, na LSS na ata e =))
salamat pink. ;)
uu nga, yung sa ken kaya kelan darating? hahayyyzz..
Post a Comment