mahirap talaga ang magkasakit.
di kinaya ng iniinom kong vitamin C ang "sinat" powers na dumapo sa kin. nagtimpla na ko ng calamansi juice, orange juice, pineapple juice, carrot juice at kung anu ano pang juice. juice meyo! walang epek. takte, wala rin naman kasing kalasa lasa kung plain na tubig lang iinumin ko.
kung kelan nakatambak ang mga gawain ko sa opisina, saka pa ako nagkaron ng lagnat. di ko na lang sana iisipin yun habang nagpapahinga ako dito sa bahay, pero ang mga makukulit kong officemates, panay text. buti sana kung nangungumusta at nagpaparamdam sabay sabi ng
get well soon. kaso nde.
"yung files ni client chuva, san nakalagay?",
"
yung report nagawa mo na?",
tsaka ang pinaka matindi.....
"pagaling kna kagad, may client presentation tayo sa tuesday".
o di ba, ang lalambing nila?!minsan iniisip ko mga robot ata ang mga 'to. walang pakiramdam.
sa madaling sabi, di rin ako nakapag pahinga ng husto.
the more na iniistorbo nila ang pagrerelaks ko, the more na pinapatay ko celpon ko. tsaka, hellooow... kaya nga wala ako sa office kasi di ako pede mag trabaho, tas dito sa bahay inaabala nyo ako ng ganun ganun na lang? antayin nyo lang ang pag aariba ng pagka pasaway ko't next year na ako magpapakita sa lintek na opisinang yan.
kala siguro nila madali lang ang magkasakit. kala siguro nila nakakatuwang tignan yung kisame na halos madadaganan ka na sa kakatitig. pati nga ata lungga ng mga butiki kabisado ko na kung saan saan sila nagsususuot eh.
tsaka eto pa, kabisado ko na oras ng mga palabas sa TV buong maghapon.
ampogi pala ni jc de vera haha.
at crush ko na din ata si
jun pyo.
kung sabagay, may magandang naidudulot din ang pagtambay dito sa bahay.
nakakapaglambing ako kay nanay.
nakakakain ako ng mga paborito kong pagkain.
nakakarelaks (kasi off na celpon e).
at nakakatanggap pa ng dalaw ng isang ispesyal na kaibigan.
mali pala ang ispeling sa itaas.
di pala lagnat.
love-nat.