Today is exactly two years mula nung nagkakilala tayo. Naalala mo pa ba? Pinakilala ka sa akin ng pinsan mong si arki na siya ring may birthday nun. Ang ganda ng ngiti mo ng sinabi mo ang pangalan mo. Nakipagkamay ka sa akin nun, feeling ko nakuryente ako. Gusto ko na sanang isipin na ikaw na nga ang soulmate ko nang biglang mong sinabing, "ay kulot ka pala". Hindi ko alam kung tatanggapin ko bang isang compliment yun o isang natural mong pang aasar. Kung di lang ako marunong magtimpi, malamang may isang tao akongng tinadyakan nung gabing yun.
Matagal na din pala tayong magkakilala. Kapag nagkikita tayo, dati hi & hello lang tayo. Ang gara pa nga ng mga shout outs natin nun sa friendster eh. "In a Relationship". Ang taray! Pero pag pinapalitan ko naman yung sa akin ng "it's complicated", binabago mo naman agad yung sa iyo, "SINGLE". Ewan ko lang kung may kahulugan yun o sadyang nangungulit ka lang.
Ni minsan di ko inisip na dumating ang oras na magkaron tayo ng panahong makilala ang isa't isa. Not until that one fine sunday.
Sabay tayong nagsimba. Sinadya kong ikaw ang huli kong nilingon ng mag 'peace be with you'. Siguro dahil sa gusto ko ulit makita yung ngiting una kong nakita nung nagkakilala tayo. Nagkasala nga siguro ako sa pagsimba kong yun, lumilipad ang isip ko.
Niyaya mo akong mananghalian. Akala ko sa isang restaurant tayo kakain. Hindi pala. Nagulat na lang ako nang nandun na tayo sa bahay nyo. Sa isip ko, Nakakaloka to!. Magkahalo na ata ang nararamdaman ko noon. Bigla akong na-tense sabay parang nae-ebs. Parang gusto ko na lang yatang umuwi. Pero sabi mo nga, magrelaks ako at mag enjoy sa "date" nating yun. [ramdam ko ang haba ng buhok ko, 'gang kabilang kanto hehe]
Mabait naman ang pamilya mo. Di man ako nakakain ng maayos sa nerbyos, kahit papanu masaya ako. Ang saya nila kausap. Makuwela. Makukulit. Ngayon, alam ko na kung bakit ganun ka din.
Inihatid mo na ako nun pauwi, nang bigla mong napansin ang palubog na araw sabay sabing, "di ba paborito mo ang sunsets?"
Tumango ako.
"Paano mo nalaman? Naikwento ko ba sa iyo?", sa isip ko.
Ang ganda ng ngiti mo paglingon ko sa iyo. Ayan na naman ang ngiting yan.
Natapos ang araw na yun ng puro pasasalamat ko sa iyo at sa pamilya mo. Masaya ako na nakilala ko sila at syempre mas masaya ako na nakasama din kita.
Thank you, dahil tinulungan mo akong makita yung mga bagay na mas maganda at mas mahalaga pa kaysa sa mga bagay na inaakala ko. Sometimes, the simplest things are the best, ika mo nga.
Thank you, dahil ni minsan wala akong narinig na panghuhusga galing sa iyo. Kahit pa alam mo ang buong kwento ng buhay ko.
At higit sa lahat, maraming salamat dahil nagkaroon ulit ako ng rason para ngumiti at maging masaya sa bawat pag gising ko.
Gusto ko lang sabihin..... ikaw ang nagpapatibok ng puso ko.
Kung sana lang, lahat ng 'to ay nasabi ko sa iyo ng personal.
2 crap(s):
sana mabasa nya yung sulat..hehe baka may happily ever after e.. wink*wink*
@PinkNote
sana wag. haha. matutunaw ako sa hiya. =))
Post a Comment