Saturday, June 20, 2009

helmet

kausap ko ang isang matalik na kaibigan kagabi at nagkwento siya tungkol sa problema nya at ng nobyo nya. sa lahat ng kinwento nya, doon sa 'panloloko' issue mas pumanting ng bonggang bongga ang tenga ko. bakit kamo? aba eh, luka-luka na siguro ang babaeng masisiyahan kung ginaganun nga siya ng bf nya. sabi ko nga sa kaibigan ko....."kelan ka pa ba mauuntog neng?"adus. kapal siguro nyang suot mong helmet at di ka man lang matauhan sa pinagagawa ng langyang boypren mo.

bilang isang kaibigan, ayokong nakikita din siyang nasasaktan. nakuuu. eh ako pa naman pag chinika mo ng mga malulungkot na kwento, tiyak yun, tulo agad ang luha ko. lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

"may ibang babae siya"

"matagal na pala sila"

"buntis daw yung babae"

"ikakasal na pala sila"

hay naku. kung nakakamatay nga lang ba ang sampal eh...tsk! yun lang naman ang kauna unahang reaksyon na magagawa natin sa harap ni 'jowa'.

pinayuhan ko na lang ang kebigan ko na maging matatag sa pagharap ng problema nya. kailangan nilang pagusapan ang puno't dulo ng problema. at maging handa sa kung anuman ang magiging solusyon at kahihinatnan nito.

nde pwedi ang puro iyak na lang. di rin makakatulong ang pagmumokmok sa kwarto.

ramdam na ramdam kong gusto din ng kaibigan ko na magalit ako ng todo sa syota nya habang kinukwento nya ang mga pangyayari. kaso gustuhin ko man, di ko naman alam ang buong storya nila. kung bakit nagkaganun.

gaano ko man kakilala ng personal ang bf nya, wala ako sa tamang posisyon para husgahan din sya ng ganun ganun na lang.

at kung gagawin ko man yun, walang kwenta.

di rin naman makakatulong sa problema nila.


...... kaya 'neng, sensya ka na. sa akin mo na lang ibunton lahat ng galit mo. (magaling ako umilag e).... basta tandaan mo, nandito lang ako palagi para sa iyo ha?peluk



MusicPlaylist
MySpace Music Playlist at MixPod.com




6 crap(s):

Hari ng sablay said...

anak ng palaka! tsk. tsk. kylangan na ngang gisingin ang kaibigan mo.

kawawa naman siya. hirap ng ganyang problema. kylangan nga niyang tatagan ang loob niya.

wag siya mag-alala lilipas din yan.marunong magpagaling ng sugat ang oras.

ACRYLIQUE said...

AMF na BF na yan. Dapat jan ginagawang XYZ!

Di nya kailanagng magsuot ng helmet. tsk.tsk.

crappy said...

@hari ng sablay

naku sana nga... isang dakilang martir yun e.

crappy said...

@acrylique

at dapat sya balatan ng buhay! juk onli. :D

PinkNote said...

naku may ganyan din akong friend... wala nakong nagawa kundi sabihing basta wag kang magpapabuntis. mauuntog ka rin..ay.. hanggang ngayon sila parin, kahit lumabas na yung baby sa kabilang bahay.. haaayy...

crappy said...

@PinkNote

tama nga ata ang sinabi nila. wala pang gamot sa katangahan. tsk!