Saturday, June 27, 2009

praning



medyo senti.
pero masaya ako.
ewan. di ko maintindihan.
weird.

"I have all I've waited for
And I could not ask for more.."

Friday, June 26, 2009

basta, yun na!

orocan. naiinis ako sa iyo. sa lahat ba naman ng pinapasyalan ko, ikaw na pinakapaborito ang siya pang gagawa ng ganun. bakit? porke't marami kang tagahanga? sus, ganun na lang ba talaga yun? bakit anu ba ang pinagkaiba ko sa kanila. pare pareho lang tayong mamamatay ng nakapikit at pantay ang mga tuhod hoy! kala mo ha. kung isang simpleng pasalamat na lang ba sana ang binati mo sa kin eh, maappreciate ko pa. kaso halatang may halong kaplastikan. di bale na nga. di na kita crush!tension

user. isa ka pa. namamansin ka lang naman para makita ng tao na marami kang karamay. tingin mo ba di ko napapansin yun? at akala mo siguro mauuto mo ako anu? sori ka na lang. di ako cheap katulad ng mga taong nakapaligid sa iyo. panget man ako, pero di ako marunong manggamit at magpagamit ng tao. nde katulad mo. hmp!merajuk

tomas. may nagsabing napadaan ka raw minsan. salamat naman at natunton mo na tong kota ko. di ka pa rin nagbabago. sayang. akala ko pa naman.... tama nga ang sabi nila, maraming nagkakamali sa maling akala.adus

ang mga nakasulat sa itaas ay tumutukoy sa iisang tao na nambwisit sa 'kin kanina sa opisina.

at naniniwala pa rin ako sa kasabihang,

"express yourself"


Thursday, June 25, 2009

What if your "ex" ask you these questions?

1.Hi how are you?

► great!what about you?

2. Hey! You wanna go to the mall?!

► good idea! papunta na din kami dun ng bf ko

3. I LOVE U..

► anu? pakiulit nga?bising

4. DO u want some cookies?

► basta ba walang lason e.

5.Can you take me a picture?!?

► sure, tara doon sa may bangin!

6.Help me in my work!

► sure. $$$ ako sumingil eh.

7. Here's my gift to you...

► sa november 2 na lang. araw mo yun di ba?

8. Let's just be textmates

► bwahaha txt mo muka mo!

9. Do you want me to buy you an ipod?

► meron na ako, 2 pa.

10.Let's sit together in the bus

► nag tataxi ako e

11. Hi baby

► 'tay, kaw ba yan?

12.You're still beautiful!

► alam ko!

13.I still LOVE you!

► kawawa ka naman

14.Do you have new girlfriend/boyfriend?

► i'm getting married

15. Do you love me?

► i did...


ikaw?senyumkenyit kung tatanungin ka ng isa sa mga tanong na yan, anung isasagot mo?ihikhik

take a pic!

paano ka ba kumuha ng litrato?

pasimple lang ba....

patago .....

o di naman kaya'y todo pose ka, na para bang ikaw yung kukunan ng piktyur gaya na lang ng mga 'to....





di ko alam kung nauutot ba tong si manong o anu.
in fairness, di talaga mabitawan yung plastik o!



di kaya masakit sa likod yan?




do the chacha dance.




bulak at barong tagalog na lang, ok na.




naiihi na ang isang 'to




sa tindig at porma ng mga litratista, akala mo'y sasabak sa giyera. isang bagay lang ang naiisip kong mas kelangan nila.

eto o.




Wednesday, June 24, 2009

cheesey

Mr. M.,

Today is exactly two years mula nung nagkakilala tayo. Naalala mo pa ba? Pinakilala ka sa akin ng pinsan mong si arki na siya ring may birthday nun. Ang ganda ng ngiti mo ng sinabi mo ang pangalan mo. Nakipagkamay ka sa akin nun, feeling ko nakuryente ako. Gusto ko na sanang isipin na ikaw na nga ang soulmate ko nang biglang mong sinabing, "ay kulot ka pala". Hindi ko alam kung tatanggapin ko bang isang compliment yun o isang natural mong pang aasar. Kung di lang ako marunong magtimpi, malamang may isang tao akongng tinadyakan nung gabing yun.

Matagal na din pala tayong magkakilala. Kapag nagkikita tayo, dati hi & hello lang tayo. Ang gara pa nga ng mga shout outs natin nun sa friendster eh. "In a Relationship". Ang taray! Pero pag pinapalitan ko naman yung sa akin ng "it's complicated", binabago mo naman agad yung sa iyo, "SINGLE". Ewan ko lang kung may kahulugan yun o sadyang nangungulit ka lang.

Ni minsan di ko inisip na dumating ang oras na magkaron tayo ng panahong makilala ang isa't isa. Not until that one fine sunday.

Sabay tayong nagsimba. Sinadya kong ikaw ang huli kong nilingon ng mag 'peace be with you'. Siguro dahil sa gusto ko ulit makita yung ngiting una kong nakita nung nagkakilala tayo. Nagkasala nga siguro ako sa pagsimba kong yun, lumilipad ang isip ko.

Niyaya mo akong mananghalian. Akala ko sa isang restaurant tayo kakain. Hindi pala. Nagulat na lang ako nang nandun na tayo sa bahay nyo. Sa isip ko, Nakakaloka to!. Magkahalo na ata ang nararamdaman ko noon. Bigla akong na-tense sabay parang nae-ebs. Parang gusto ko na lang yatang umuwi. Pero sabi mo nga, magrelaks ako at mag enjoy sa "date" nating yun. [ramdam ko ang haba ng buhok ko, 'gang kabilang kanto hehe]

Mabait naman ang pamilya mo. Di man ako nakakain ng maayos sa nerbyos, kahit papanu masaya ako. Ang saya nila kausap. Makuwela. Makukulit. Ngayon, alam ko na kung bakit ganun ka din.

Inihatid mo na ako nun pauwi, nang bigla mong napansin ang palubog na araw sabay sabing, "di ba paborito mo ang sunsets?"

Tumango ako.

"Paano mo nalaman? Naikwento ko ba sa iyo?", sa isip ko.

Ang ganda ng ngiti mo paglingon ko sa iyo. Ayan na naman ang ngiting yan.

Natapos ang araw na yun ng puro pasasalamat ko sa iyo at sa pamilya mo. Masaya ako na nakilala ko sila at syempre mas masaya ako na nakasama din kita.

Thank you, dahil tinulungan mo akong makita yung mga bagay na mas maganda at mas mahalaga pa kaysa sa mga bagay na inaakala ko. Sometimes, the simplest things are the best, ika mo nga.

Thank you, dahil ni minsan wala akong narinig na panghuhusga galing sa iyo. Kahit pa alam mo ang buong kwento ng buhay ko.

At higit sa lahat, maraming salamat dahil nagkaroon ulit ako ng rason para ngumiti at maging masaya sa bawat pag gising ko.

Gusto ko lang sabihin..... ikaw ang nagpapatibok ng puso ko.

Kung sana lang, lahat ng 'to ay nasabi ko sa iyo ng personal.Add Image




Monday, June 22, 2009

:)


lovemalulove


Music




Saturday, June 20, 2009

helmet

kausap ko ang isang matalik na kaibigan kagabi at nagkwento siya tungkol sa problema nya at ng nobyo nya. sa lahat ng kinwento nya, doon sa 'panloloko' issue mas pumanting ng bonggang bongga ang tenga ko. bakit kamo? aba eh, luka-luka na siguro ang babaeng masisiyahan kung ginaganun nga siya ng bf nya. sabi ko nga sa kaibigan ko....."kelan ka pa ba mauuntog neng?"adus. kapal siguro nyang suot mong helmet at di ka man lang matauhan sa pinagagawa ng langyang boypren mo.

bilang isang kaibigan, ayokong nakikita din siyang nasasaktan. nakuuu. eh ako pa naman pag chinika mo ng mga malulungkot na kwento, tiyak yun, tulo agad ang luha ko. lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

"may ibang babae siya"

"matagal na pala sila"

"buntis daw yung babae"

"ikakasal na pala sila"

hay naku. kung nakakamatay nga lang ba ang sampal eh...tsk! yun lang naman ang kauna unahang reaksyon na magagawa natin sa harap ni 'jowa'.

pinayuhan ko na lang ang kebigan ko na maging matatag sa pagharap ng problema nya. kailangan nilang pagusapan ang puno't dulo ng problema. at maging handa sa kung anuman ang magiging solusyon at kahihinatnan nito.

nde pwedi ang puro iyak na lang. di rin makakatulong ang pagmumokmok sa kwarto.

ramdam na ramdam kong gusto din ng kaibigan ko na magalit ako ng todo sa syota nya habang kinukwento nya ang mga pangyayari. kaso gustuhin ko man, di ko naman alam ang buong storya nila. kung bakit nagkaganun.

gaano ko man kakilala ng personal ang bf nya, wala ako sa tamang posisyon para husgahan din sya ng ganun ganun na lang.

at kung gagawin ko man yun, walang kwenta.

di rin naman makakatulong sa problema nila.


...... kaya 'neng, sensya ka na. sa akin mo na lang ibunton lahat ng galit mo. (magaling ako umilag e).... basta tandaan mo, nandito lang ako palagi para sa iyo ha?peluk



MusicPlaylist
MySpace Music Playlist at MixPod.com




Monday, June 15, 2009

a gift of 'pink'




celebratemaraming salamat Pink!malu
touched ako sobra.
gaya ng sabi ko, i'm more than willing to be your "ate"cium

peluktenKyupeluk

Sunday, June 14, 2009

ayoko na magpalit... ulit.

around wala talagang mapapala ang isang taong inaantokngantuk at pilit butingtingin ang isang bagay na wala naman syang kaalam alam at pinaiiral garupalepa ang kanyang katangahan.

kaya, crappysenyumkenyit, sa susunod, i-save mo munatakbole yang existing template mo bago ka mag download ng panibago at diretsong i-save ha?

mahirap pa naman aroundmagpuyat nang dahil lang sa kalikutan ng kamay.siul


p.s
kenyitbuti na lang memorize ko ang kantang to habang kinukumpuni ko ang blog ko. menari


Friday, June 12, 2009

when it rains, it pours




wrong timing naman ang pagbuhos mo. kung kelan nakabihis na ko't lahat, saka mo naman pinaliguan ang buong paligid. panu na lang ang date ko nito? naman oh! . kung kelan ngayon lang [ata] ako nagsuot ng medyo pormal na damit saka pa umulan ng pagka lakas lakas. nananadya ka ata eh .

hay naku. wala na. ayaw mo na atang tumigil eh. humabol pa naman ako 'midnight sale' promo sa isang mall kagabi para lang mabili ang damit kong to. tapos ngayon, wala rin pala. sayang.

kaw kasi.

nanay: di ba dati, gustong gusto mo pag umuulan?
crappy: dati po yun. di na ngayon.
nanay: bakit naman?
crappy: nay, wag na natin pagusapan yun. baka di lang ulan ang babaha dito.


isang oras...
kalahati.

nakngtokwa, dalawang oras na di pa rin tumitila ang ulan.
wala na yatang pag asang makalabas ako ngayon.
wala na talaga.


nanay: o, anung ginagawa mo dyan?
crappy: naghuhugas po ng plato
nanay: e bat ganyan ang suot mo?
crappy: at least dito mapakinabangan siya di ba?





kelan pa naging isang krimen ang maghugas ng plato ng naka bestida at high heeled shoes? /

friday randoms

:D matagal na din pala akong nde nakapag update. dalawa lang naman ang naging rason kung bat inaagiw na tong pahinang to eh. una, naging busy ako sa pagiging isang #-o yaya slash tagaluto. pangalawa, :P tinatamad na talaga ako mag blog. [ hehe ;)) ayan kasi. sino ba nag utos sa 'kin na magblog?] pero uy, di ako susuko sa gawaing to anu. mas ok nga to eh, malilibang ako dito at malaya kong maisigaw kung anu man ang nasa loob ko. halimbawa ng mga 'to.....

  1. pag naging isang "yaya" ka pala, kasama na din doon yung paglalaba? #-o
  2. nde pala lahat ng magagandang laruan eh nakapagpatahan sa baby. susme, napipiyok na ko sa paulit ulit na paghehele sa kanya, di pa rin umipek! ~x(
  3. minsan, storbo yung pagtitext lalo na't konting konte na lang pipikit na ang mga mata ni baby.
  4. masarap pala yung gerber ;)) :-$ ( :)>- insan, 2 tsp. lang naman) ;)
  5. nakakapang hinayang din pala kung isnabin ang isang txt. lalo na't galing yun sa isang tao na nagyayaya ng isang 'date' :x ;)
tsaka bat kaya bigla akong kinilig. :x

:-j haha.
----------------
Listening to: Leona Lewis - Better In Time
via FoxyTunes
Reblog this post [with Zemanta]