popeye: di mo na ba ako mahal?
crappy: hindi.
alam kong di mo inaasahan ang diretsahan kong pagsagot sa tanong mo. pero nakapagdesisyon na ako. nagiging komplikado na ang mga bagay sa paligid natin. at nakakapagod na rin.
tama na. kelangan ko nang tigilan ang kahibangan ko sa iyo. alam kong kahit papano nasaktan ka sa mga sinabi ko. pero anu pa nga ba ang magiging saysay kung di ako magsisinungaling sa iyo?
oo, mahal pa rin kita hanggang ngayon. ipagpaumanhin mo kung ganun man ang naging pasya ko. at sana'y maintindihan mo kung bakit kinakailangan kong gawin yun. akala mo siguro ikaw lang ang nasasaktan. di lang naman ikaw ang nalulungkot sa pangyayari. sa bawat pagsisinungaling ko sa mga sagot ko sa iyo ay mas triple ang sakit na dulot nun sa akin. paanu mo nga naman pala maiisip yun? puro pagkukulang at kahinaan ko lang naman ang nakikita mo na kung tutuusin eh wala sa kalingkingan kung ikumpara sa mga pagkakamali mo.
walang perpektong tao at wala ding perpektong relasyon. di naman sa nanunumbat ako. aminin na natin, yun naman ang totoo. di ba?
magkakaiba tayo ng paniniwala sa iba't ibang bagay. pero nde yun naging hadlang para mahalin natin ang isa't isa. di pa rin natin ininda kung tama o mali ba ang mga nangyayari sa atin.
pero.
dati yun. hindi na ngayon. tama na siguro yung ilang taon kitang pinaglaban sa mga mapanghusgang tao na nakapaligid sa akin. minsan mo na ring pinagdudahan ang pagmamahal ko sa iyo. kaso, ayoko nang magbulag bulagan pa. kung ang pagdududa mong yun sa akin ay ginawa mo para takpan ang mga kasalanan mo, mas mainam ngang tigilan na lang natin 'to. at tigilan mo na din ang mga maling panghuhusga mo sa pagkatao ko. niloloko mo lang ang sarili mo nyan. alam kong iba rin ang sinisigaw ng puso mo.
panahon na siguro para harapin ko ang katotohanang sa umpisa pa palng ay hindi tayo para sa isa't isa. huli man nang malaman ko ang lahat, pinilit ko pa ring ipaglaban sa sarilii ko ang isang desisyong magiging tama para sa lahat.
sila ang karapat dapat na kasama mo. at sila lang dapat ang pinagbuhusan mo ng oras at pagmamahal.
salamat at hinayaan mo akong mahalin at alagaan ka.
mahal pa rin naman kita. sobrang mahal.
yun nga lang, maipagpapatuloy ko lang ang pagmamahal kong yun sa paraang alam kong walang ibang masasaktan kundi.... ako lang.
6 crap(s):
yeah.. every person should know when to hold on or to let go...
masakit pero kailangan..
Sad but true. Hope you're okay. : )
trust, honesty at respect...
pag nagsawa na, di na yun Love..
Time to let go,
Bakit kailangang ipaglaban ang isang tao na di ka naman mahal?
:)
@PinkNote
uu nga eh...salamat sa pagdaan.
@Angel
I am. Thank you.
tsaka matagal na din yun.
@Waterbased
ewan ko din ba sa pagibig na yan, nakakabulag paminsan minsan.
Post a Comment