di ko alam kung anu ang pumasok sa isip ko nang burahin ko ang isa kong lumang blog. matagal ko rin syang inalagaan. mahigit tatlong taon na din.
sa blog na yun, nakasaad ang mga saloobin ko na di ko kayang sabihin ng harap harapan sa mga taong napagtampuhan ko. doon din nakatago ang mga importanteng kaganapan sa buhay ko sa loob ng dalwa at kalahating taon. marami akong naging kaibigan doon. ngayon, bigla akong nakaramdam ng lungkot. tama nga kaya ang ginawa ko? kailangan ko ba talagang gawin yun? pagod, pawis at luha ang pinuhunan ko para lang makagawa ng isang online journal tas pabigla bigla ko lang binura.
sayang..
sana'y nailipat ko yung ibang mga naisulat ko.
sana'y nakapag pasalamat at nakapag paalam man lang ako sa mga tagasubaybay (kung meron man) ng blog kong yun.
sayang ang mga entries ko doon.
ang mga pictures.
ang pakikipagpalitan ng mga kurokuro.
sayang talaga.
kaso di na nga maibabalik pa yun.
eto na nga siguro ang magiging bagong mundo ko.
dito ko na ulit ibubuhos ang oras at pagod at pag sesenti ko.
tama na siguro yung nakadalawang blog na ako.
eto na talaga. dito na ako. poreber.
What To Do When Something Seems Wrong With Your Car
-
Whether you are an experienced car owner or not, there’s nothing more
frustrating than finding something is wrong with your car. It’s often
something yo...
1 year ago
0 crap(s):
Post a Comment