Tuesday, September 28, 2010

Dear Channing



Ilang araw na din akong nag aadik adik sa pelikulang 'to.  Nagandahan ako sa kwento at idagdag na din siguro ang kagwapuhan ni Channing Tatum. Natatawa na nga ako sa sarili ko dahil napanood ko na siya ng halos pitong beses, nakuha ko pa ring i-download. Kitams, di talaga maka get over.

Pebrero ata ng taong ito pinalabas siya sa mga sinehan. At dahil workaholic pa ako sa panahong yun, di ko siya napanood sa big screen. Sayang. Mas na-enjoy ko sana ang kagwapuhan ni Channing sa panahong yun.

Istorya ng dalawang tao na nagkakilala at na inlove agad sa isa't isa. Pagkatapos ng dalawang linggo, magkahiwalay man sila pero patuloy ang pag-iibigan nilang dalawa sa pamamagitan ng mga sulat. Bilang isang sundalo, naa-assign kasi si John sa iba't ibang lugar na tanging sulat lang ang paraan para makabalita sa kanya ang kasintahan nyang si Savannah.

Mahirap ang sitwasyong magkalayo sila sa isa't isa. Iba pa rin kasi yung nasa tabi mo lang ang taong minamahal mo. May mga bagay kayong di masasabi at maipapadama sa isa't isa. Based sa movie, nung panahon na nadestino si John, wala man lang internet connection. (Walang YM at Facebook. Bwahaha). Kaya doon nag umpisa ang twist ng kuwento.

Nagandahan ako sa movie na to. Di lang kasi sa pag-iibigan ng dalawang tao umiikot yung kuwento. Pati na rin sa relasyon ng isang anak sa kanyang ama. Lumaki kasi si John, na wala ang nanay sa tabi niya. Ang tatay nya lang ang nakakausap at nakakasundo sa mga iilang bagay na sa kalaunan din ay nagsawa siya. Sa iisang bagay lang kasi sila nagbobonding ng papa nya. Sa "coins".

Maraming touching na eksena, pero mas tumulo ang uhog luha ko nung umuwi si John na may sakit na ang tatay nya. Di na makakapagsalita at para makabawi man lang sa mga oras na di niya ito nakapiling, ginawan nya ito ng isang sulat at binasa sa harapan ng ama nya habang umiiyak.

May mga bagay sa mundo na kung minsan kailangan mang tuldukan, kung ito naman eh itinadhana para sa iyo, ibabalik ka talaga papunta dito. Walang dahilan. Walang dapat pag-usapan. Isang ngiti at mainit na yakap, lahat ay hudyat ng isang masaya at panibagong simula.

Eto nga pala ang Themesong ng movie.



P.S.

Channing,

Magkita na lang tayo sa panaginip ko.
Hihintayin kita.


Nagmamahal,

Crappy

3 crap(s):

Jam said...

Mahirap ang sitwasyong magkalayo sila sa isa't isa. Iba pa rin kasi yung nasa tabi mo lang ang taong minamahal mo. May mga bagay kayong di masasabi at maipapadama sa isa't isa.>>>>>>parang may alam akong ganito "dati" hahaha..

crappy said...

@Jam

Talaga? Kwento mo, makikinig ako =)

Jam said...

Sa iisang eksena pala tayo umiyak..nung binbasa ni John yung sulat nya para sa Tatay nya..(kita mo habang nag kokoment ako sayo biglang nagflashback sa utak ko naiiyak n nmn ako hahaha)