Wednesday, September 29, 2010

May nagtanong...

"Are you in a relationship?"

Hangganda ng tanong.

Nakuha ko yan sa inbox ng FB account ko. Di ko alam kung concerned sa akin yung nagtanong or sadyang "usi"(sero) lang siya. Pero mabait ako ngayong umaga, kaya iisipin kong concerned sya sa lablayp ko. *insert tawang timang here*



Back tayo sa Q.

Yes, i am in a relationship. A wonderful guy whom I have known for years. Isang simpleng tao na mas malawak pa ata sa buong palayan ng pilipinas ang isip. Someone I can count on sa lahat ng oras.

Siya ang nagpapakilig sa akin kahit na nasa gitna ako ng nakatambak na labahin. Inuuna ko pang reply-an ang mga korni nyang texts kesa nasusunog kong pritong itlog. Siya rin ang una kong kinakamusta sa umaga kaysa pasalamatan ko ang nasa itaas para sa isang napakagandang buhay na bnigay sa akin. Walang biro, ganyan ako pag nagmamahal. Kinakalimutan ang ibang bagay at hinahayaang umikot ang mundo sa taong nagpapatibok ng puso ko. (Charing!)

At kung tatanungin mo ako kung masaya ba ako sa kanya...

Walang kasing saya. Para na nga akong timang sa kakangiti buong araw. Kung makakasalubong mo lang ako, baka masabi mong may topak ako sa ulo. Meron naman talaga. Pinapahalata ko nga lang.

In a few days, monthsary na namin. Wala pa akong naisip na regalo, pero yung oras ko sa araw na yun ay nakahanda na para i-celebrate yun kasama siya. Takte! Ngayon pa lang parang kinikilig na ako. May mga bagay na bigla ko lang nararamdaman kapag kasama ko siya. Di ko man maipapaliwanag yung ilan, isa lang ang sa tingin ko ay sigurado ako.

Mahal na mahal ko ang taong ito at wala na akong nanaisin pa kundi siya lang ang makasama ko... habangbuhay.

Thank you will never be enough for all those things you've done for me. I can only promise you one thing. I wil be here till the end. I heart you!

4 crap(s):

Anonymous said...

Ayun oh! Sigurado mahal na mahal ka din ng taong mahal mo. Advance happy monthsary... sa inyo pala.


-JL

Jam said...

Naks...oo na ikaw n ang inlab ikaw na ang nagpuso-puso dyan..san bang kanto ang handaan sa monthsary nyo hahaha..msaya ako kulot pra sayo..

Ingat ka lagi...

crappy said...

@John Lloyd (keber nakng ito nga name mo o nde haha)

Salamat! Tama ka, mas mahal na mahal na mahal na mahal na ma... Tama na nga ahaha

@Jam

Salamat. Kelan ang kulam sessions ulit natin? =)

Jam said...

Bwal sbihin kung kelan bka wala tayong makulam hahha