Wednesday, September 29, 2010

worth

there are still a hundred reasons to smile
and you are one of them.
=====

May nagtanong...

"Are you in a relationship?"

Hangganda ng tanong.

Nakuha ko yan sa inbox ng FB account ko. Di ko alam kung concerned sa akin yung nagtanong or sadyang "usi"(sero) lang siya. Pero mabait ako ngayong umaga, kaya iisipin kong concerned sya sa lablayp ko. *insert tawang timang here*

'Till i hear it from you

Tuesday, September 28, 2010

Dear Channing



Ilang araw na din akong nag aadik adik sa pelikulang 'to.  Nagandahan ako sa kwento at idagdag na din siguro ang kagwapuhan ni Channing Tatum. Natatawa na nga ako sa sarili ko dahil napanood ko na siya ng halos pitong beses, nakuha ko pa ring i-download. Kitams, di talaga maka get over.

Pebrero ata ng taong ito pinalabas siya sa mga sinehan. At dahil workaholic pa ako sa panahong yun, di ko siya napanood sa big screen. Sayang. Mas na-enjoy ko sana ang kagwapuhan ni Channing sa panahong yun.

Istorya ng dalawang tao na nagkakilala at na inlove agad sa isa't isa. Pagkatapos ng dalawang linggo, magkahiwalay man sila pero patuloy ang pag-iibigan nilang dalawa sa pamamagitan ng mga sulat. Bilang isang sundalo, naa-assign kasi si John sa iba't ibang lugar na tanging sulat lang ang paraan para makabalita sa kanya ang kasintahan nyang si Savannah.

Mahirap ang sitwasyong magkalayo sila sa isa't isa. Iba pa rin kasi yung nasa tabi mo lang ang taong minamahal mo. May mga bagay kayong di masasabi at maipapadama sa isa't isa. Based sa movie, nung panahon na nadestino si John, wala man lang internet connection. (Walang YM at Facebook. Bwahaha). Kaya doon nag umpisa ang twist ng kuwento.

Nagandahan ako sa movie na to. Di lang kasi sa pag-iibigan ng dalawang tao umiikot yung kuwento. Pati na rin sa relasyon ng isang anak sa kanyang ama. Lumaki kasi si John, na wala ang nanay sa tabi niya. Ang tatay nya lang ang nakakausap at nakakasundo sa mga iilang bagay na sa kalaunan din ay nagsawa siya. Sa iisang bagay lang kasi sila nagbobonding ng papa nya. Sa "coins".

Maraming touching na eksena, pero mas tumulo ang uhog luha ko nung umuwi si John na may sakit na ang tatay nya. Di na makakapagsalita at para makabawi man lang sa mga oras na di niya ito nakapiling, ginawan nya ito ng isang sulat at binasa sa harapan ng ama nya habang umiiyak.

May mga bagay sa mundo na kung minsan kailangan mang tuldukan, kung ito naman eh itinadhana para sa iyo, ibabalik ka talaga papunta dito. Walang dahilan. Walang dapat pag-usapan. Isang ngiti at mainit na yakap, lahat ay hudyat ng isang masaya at panibagong simula.

Eto nga pala ang Themesong ng movie.



P.S.

Channing,

Magkita na lang tayo sa panaginip ko.
Hihintayin kita.


Nagmamahal,

Crappy

Back!

Antagal ko ding iniwan ang kuta kong ito. Nagpakasarap sa kabilang dako roon (on on on echo epeks yan). Yung ibang nakilala ko dito, eh mukhang bihira ko na din nabibisita. Kamusta kayo? As if may bumabasa pa nito anu? Bwahaha, pampadagdag salita yan. Kunwari mahaba ang entry ba.


Maraming nangyari.
Maraming nakilala.
Maraming kwentong itinago.

Dito ko na nga siguro yun isusulat.
Wala mang makakabasa, keber ko na.

Masaya na ako makakabalik na ako sa pagiging basurera ko.
Yahooooooooo !!

Tuesday, May 11, 2010

rebound



Sana’y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutungahan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko


iwan muna kita... dito na muna ako..

tinatamad akong ayusan ka...
tinatamad akong butingtingin ka habang masayang nakikipag kulitan sa mga kapwa kong taga pangalaga din ng isang bagay na tulad mo. pero nde ibig sabihin nito, itatapon na kita at iwan na lang basta sa isang sulok.

di ko naman kayang gawin yun sa iyo.

nagpasya lang akong dito muna mamahinga para din 'makapagpahinga' ka..

makapagpahinga sa...

mga matang alam kong titig na titig sa iyo sa bawat salita at kinikilos mo.
mga matang minsan ay mapanghusga sa mga nararamdaman mo sa isang tao.
mga matang walang ibang hinahanap kundi pagkakamali mo para gamitin laban sa iyo at sa kasiyahang meron ka sa ngayon.

alam ko kung kani kaninong mata ang mga yun. at sa pinagagawa nila, isang bagay lang ang pagkakaintindi ko dun. 'inggit'.

kaya huwag ka nang magtampo.
di kita pinagpapalit.
mahal kita at di kita kayang iwan.

dito lang muna ako.
at di ako mawawala sa iyo.
binabantayan kita... sa malayuan nga lang.




*pic from here

Friday, April 16, 2010

weh...

asar!

sana may taglay akong kapangyarihan sa mga oras na 'to.

gusto kong gawing isang "ZOMBIE" ang sarili ko. manhid. yung di marunong makakaramdam ng sakit, pagod, lungkot at saya. yung nakatingin lang sa malayo pero walang iniisip. yung 'bingi' sa mga kwentong puro problema lang din ang dala sa paligid. panu kaya yun?

lance: ok ka lang?
kaye: uu (nakatingin sa malayo)
lance: sure?
kaye: uu
lance: huuyy!!!
kaye: huh! (gulat)
lance: anu ba nangyayari sau? ok ka lang?
kaye: uu


sa dami ng mga bagay na nag-aagawang pumasok sa isip ko, di ko na din ata alam kung saang lupalop ako nandun. blanko na ata talaga. takte! dati di naman ako ganito ah. talaga nga atang ganun kalaki ang problemang 'to para mawindang ako ng ganito. kainis.

ayokong magpa apekto.
nyemas talaga. ayokoooo naaaaaaa !!!

Thursday, April 1, 2010

shifting sand

Wednesday, March 31, 2010

tayo dati... ngayon..?

the last time na nagkakulitan tayo ay yung "tayo" pa ata. kelan ba yun? three months ago? haha, nagka amnesia na. pasensya ka na kung medyo nde "tayo" naging okay pagkatapos kong bumitaw sa isang pangakong alam kong hinding hindi na magkakatotoo nun. magsisinungaling ako sa iyo kung di ko nasabi sa sarili ko nun na ginawan kita ng pabor sa pagbitiw kong yun. ikaw naman kasi. uu kaw naman talaga ang dapat sisihin sa lahat.

nagulat ako sa message mo sa akin ilang araw nang nakakaraan. na di mo makuhang i-delete ang mga piktyur ko. na kesyo tinatago mo pa din ang lahat ng mga yun. gustuhin ko mang isipin na humahaba ang buhok ko 'gang kabilang kanto eh nde pede. kung may kakayahan lang akong nakawin ang selpon mo at burahin ang itsura ko dun, matagal ko nang ginawa.

ayoko lang ng gulo. kilala ko "siya". mataray. taklesa. kung may kabaitan man siguro sa ugali nya, pasensya pero di ko yun nakita nung una kaming nagkakilala. pero naiintindihan ko din kung bakit siya nagkaka ganun. klir na sa akin. di ako insekyur. haha jowk po.

kahit papanu, masaya na din ako sa nangyayari sa "atin". unti unti nang bumabalik yung ukrayan at kulitan natin sa isa't isa na pansamantalang nawala dahil sabi mo nga nawiwindang ka pa sa mga nangyayari lately. weh! di bagay sa iyo, huy! ok di na dapat kalkalin yun. nakaraan na eh.

natutuwa din akong malaman mula sa iyo na tanggap mo na din kung gaano ako kasaya na ngayon.

_wall_ : happy na ako para sa iyo. na nakilala mo siya, yung taong mahal mo at mahal na mahal ka din.

'kaye' : salamat.... happy din nmn ako para sa nyo eh.

_wall_ : ingat ka palagi ha. dito lang ako kung sakaling kelangan mo ng isang kaibigan. alam kong mahal na mahal ka din niya.

'kaye' : salamat. salamat.


natupad din ang isang kahilingan ko. ang makita kang masaya sa piling "niya". dahil kasabay nun ay ang pagpapalaya mo sa mga alaalang pilit mong pinanghahawakan na baka sakaling magbalik pa yung "dati" para sa iyo. para sa "atin". kaso lang....

masaya na ako sa "kanya". at wala na akong mahihiling pa.

Friday, March 26, 2010

TLC

“kembelar”

"lugawan"

"tut-tuuut"

"push the button"

patirin kita jan!

huyyy!

"escabeche"

obladi oblada

oh... my... gawddd

bahala ka!

at ang pinakapaborito kong stinger.....

eng eng ka pala eh!

kung pamilyar sa iyo ang mga salitang yan... malamang adik ka ding tulad ko. hmm, kilala mo ba kung sino ang nagpauso ng mga salitang yan?


Monday, March 15, 2010

ako'y meron...

♪♫ Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng iyong kaharian
Wala man akong pag aari
Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan
O, aking prinsesa ♫♪

tugtog sa radyo.
lupet.♥

parang may kung anung bagay na ipinatong sa bunbonan ko at bigla kong naigalaw galaw ang ulo ko. yeah. papikit pikit pang napapasabay sa kanta. feel na feel. teka lingon muna sa paligid at baka may nakatingin at humahagalpak sa tawa.

masarap pala balik balikan ang mga dating trip na minsa'y nakalimutan ko nang isama sa pang araw araw na gawain. isa lang siguro ang ibig sabihin nito. inspayrd? ayayaaaayy!

mga ilang araw na rin siguro akong ngumingiti sa pag gising ko sa umaga. yung tipong ang gulo gulo pa ng buhok kasi di pa nga nakakapag suklay tas ngumingiti na parang pagong habang ikaw naman na nakatingin eh sa kin kumukunot ang noo at inaakala mong walang dahilan yun. (pwes akala mo lang talaga yun) pero meron. meron.

meron akong anu.
meron akong kuwento.

may itinuturing na akong prinsipe. [napayuko *shy epeks*]

makulit. masaya. magulo. kumplikado
pero wala namang mundong perpekto.

isang bagay lang ang alam ko.
masaya ako sa mga nangyayari.
ini-enjoy ko ang bawat segundong nakakasama ko si prinsipe.

kung hanggang saan 'to patutungo.... di ko alam.
kung hanggang kelan. mas lalong walang nakakaalam.
iniisip ko nalang.

masaya siya.
sana nga.

dahil ganun ako pag kasama ko siya.

mahal ....

.................





na nga siguro namin ang isa't isa.

(ayown yun oh!)






Wednesday, January 27, 2010

payrplays





wala sa mood.

Tuesday, January 26, 2010

O.M

9:15 pm.

takbo pauwi.
nagbihis.
kumain. (diretso lunok, ala nang nguya nguya)
tumingin sa relos.
"10:45"

pede pa.

ON ang pc.
log in sa YM.



jan ka ba?
ding
ding
ding


alis na lang ako. may practice daw eh.
ingat.

*sigh* di man lang ako hinintay :(

sa wakas.... umpisa ulit !!!

wow... limang buwan na wala man lang update. hehe. kala ko nde ko na din mabubuksan ang blog kong 'to... nakaka panibago. haha. weird ng feeling. limot ko na din ata panu mag gawa ng bagong post. nyahahaha..

kahit di nyo itanong, ipapaalam ko kung bakit nag hiatus ang blog na ito.

work.
kahit kelan, epal ang work. palusot yan sa mga taong di makapagbabad sa net at sosyalan na galaan. tulad ko. [ehem]. na assign ako sa isang project na halos magdugtong na ang dalawang kilay ko matapos ko lang ang madugong trabahong yun. imperness, natapos nga sya. isang linggo nga lang akong di nakabangon.

luv lyf.
sa kakahabol ko para magkaron niyan, nalimutan ko na din mag blog. akala ko makakatulong sa pag unlad este pagsikap ng todo sa work, wala ring napala. lalo lang naging magulo. tsk tsk. ay teka, meron. ay, wala. ay merooonnn! hayss. wala nga pala.

farmville/farmtown.
o haaa... nangalay ang kilikili ko sa pag aararo at pagbubungkal ng lupa dun. takte, sinubukan ko lang sana kung panu ang farm ek-ek na yan dahil pati sa talipapa sikat yun. aba, di ko namalayan, nakarir ko na! tsk!

---------------------------------

new year.

dapat din ba, bago din ang itsura ng blog?

hmm... makapag butingting nga muna....