Sunday, May 31, 2009

untitled

10:15 sunday ng gabi....

popeye: hi! :-h
crappy: uy. kaw pala.
popeye: :D mstamos?
crappy: eto, humihinga pa rin
popeye: kmsta araw mo?
crappy: ayus lng
crappy: yung sa yo?
popeye: may sasabihin ako sa yo :-$
crappy: anu po yun?
popeye: :x alam mo bng meron nang nagppasaya sa kin ngyon?


takte!... eto na ata ang matagal ko nang hinihintay. *kilig* :x

crappy: a talaga
crappy: ok yan. at least inspired ka na


uuyyy eksayted... ;)) pero wag ka, nag a-assume na ko. :x

popeye: di rin e. di nya kasi alam na sya inspirasyon ko. :-<


sus, kelangan pa ba.
:"> ako yun di ba? parang gusto ko nang tumambling nang sabihin nyang......

popeye: tulungan mo namn ako. ilakad mko kay izza.


bat parang gusto kong magwala!? X( *kumidlat....*kumulog......*dumilim ang paligid*

popeye: crappy? jn kpa?
crappy: ha. ah.... e...
popeye: anu? ok lang b.
crappy: nde!


X( umuusok ata ang tenga ko. X(

crappy: ah..este. .. ang ibig ko sabihin i-tatry ko
popeye: ayun! da best ka talaga. salamt ha. >:D<


salamat ka jan! para mo na ring sinabing magpatiwakal ako!
~X(

popeye: crappy?
popeye: helloooo
popeye: jn kpa?
popeye: buzz
crappy: dito pa.
popeye: ok ka lang b?
crappy: oo kaso bigla sumakit tyan ko
popeye: ay ganun ba
crappy: o panu, mauna na ko. sumasakit na talaga tyan ko.


sira! kelan pa lumipat yang puso mo sa tyan mo?! /:)

popeye: o cge. tnx tlga ha


tnx mo muka mo!

crappy: cge bye :-h



_________________________________________________


at yan ang isa sa mga ka- lukringan ko nung araw.
imagine, dat was 6 yirs ago pa.
;;) eh, bat naaalala mo pa din ngayon?

ah... eh.....
(:| bigla ata ako naantok.
late na pala.

....... gudnayt! ;;)



MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

Saturday, May 30, 2009

'grin' minded

anu nga ba ang naiisip nyo sa litratong 'to? ;)

.
.
.
.
.
.




.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

eto ang interpretasyon nyan.........




These are signs in Japanese Metro Trains.



'Priority seats for ................',

From left to right:

1. Person with injured arm
2. Person holding a child
3. Pregnant woman
4. Person with injured leg



ba't ka nakangiti? uuyy, iba siguro nasa isip nya :-" ;))


Friday, May 29, 2009

L.S.S

rainy days on fridays

popeye: di mo na ba ako mahal?
crappy: hindi.


alam kong di mo inaasahan ang diretsahan kong pagsagot sa tanong mo. pero nakapagdesisyon na ako. nagiging komplikado na ang mga bagay sa paligid natin. at nakakapagod na rin.

tama na. kelangan ko nang tigilan ang kahibangan ko sa iyo. alam kong kahit papano nasaktan ka sa mga sinabi ko. pero anu pa nga ba ang magiging saysay kung di ako magsisinungaling sa iyo?

oo, mahal pa rin kita hanggang ngayon. ipagpaumanhin mo kung ganun man ang naging pasya ko. at sana'y maintindihan mo kung bakit kinakailangan kong gawin yun. akala mo siguro ikaw lang ang nasasaktan. di lang naman ikaw ang nalulungkot sa pangyayari. sa bawat pagsisinungaling ko sa mga sagot ko sa iyo ay mas triple ang sakit na dulot nun sa akin. paanu mo nga naman pala maiisip yun? puro pagkukulang at kahinaan ko lang naman ang nakikita mo na kung tutuusin eh wala sa kalingkingan kung ikumpara sa mga pagkakamali mo.

walang perpektong tao at wala ding perpektong relasyon. di naman sa nanunumbat ako. aminin na natin, yun naman ang totoo. di ba?

magkakaiba tayo ng paniniwala sa iba't ibang bagay. pero nde yun naging hadlang para mahalin natin ang isa't isa. di pa rin natin ininda kung tama o mali ba ang mga nangyayari sa atin.

pero.

dati yun. hindi na ngayon. tama na siguro yung ilang taon kitang pinaglaban sa mga mapanghusgang tao na nakapaligid sa akin. minsan mo na ring pinagdudahan ang pagmamahal ko sa iyo. kaso, ayoko nang magbulag bulagan pa. kung ang pagdududa mong yun sa akin ay ginawa mo para takpan ang mga kasalanan mo, mas mainam ngang tigilan na lang natin 'to. at tigilan mo na din ang mga maling panghuhusga mo sa pagkatao ko. niloloko mo lang ang sarili mo nyan. alam kong iba rin ang sinisigaw ng puso mo.

panahon na siguro para harapin ko ang katotohanang sa umpisa pa palng ay hindi tayo para sa isa't isa. huli man nang malaman ko ang lahat, pinilit ko pa ring ipaglaban sa sarilii ko ang isang desisyong magiging tama para sa lahat.

sila ang karapat dapat na kasama mo. at sila lang dapat ang pinagbuhusan mo ng oras at pagmamahal.

salamat at hinayaan mo akong mahalin at alagaan ka.

mahal pa rin naman kita. sobrang mahal.




yun nga lang, maipagpapatuloy ko lang ang pagmamahal kong yun sa paraang alam kong walang ibang masasaktan kundi.... ako lang.

Wednesday, May 6, 2009

palipas oras

=== WHAT DO YOU THINK ABOUT....? ===


Kissing on the first date? - nde ok sa kin (korek, manang ako. eweno ngayon?)

Getting married before age 18? - isang malaking "NO"

Divorce? - not an option for me

Losing weight to please a boyfriend or girlfriend? - ayoko. (may lipo naman e, jowk) =)

Dating more than one person at the same time? - mas aprub ako dun sa tinatawag nilang "exclusively dating"

Saying "I heart u"? - sa taong kaaway? pede! :D

Romantic movies? - ay tayyyp!




=== HAVE YOU EVER...? ===


Given someone a massage? - yep, ate ko

Changed the way you look to try to impress someone? - uu, boss ko nyahaha

Written someone a long poem and read it in front of friends? - nde pa

Pretended to be interested in something you really hated? - haha di ko na mabilang ilambeses yun

Regretted breaking up with someone? - yes

Dated anyone just because you were lonely? - yes, pero oks lang kasi 'the feeling is mutual', naman din daw (sabi nya)

Kissed a person on the forehead? - yes

Written your name on someone else's property? - uu, sa shirt ng isang frend. remembrance daw

Been divorced? - di pa nga naikakasal e

Created a person ad? - nope

Taken a magazine dating survey? - kuuu, ilambeses na din haha




=== FIRST THING THAT COMES TO YOUR MIND ===


Hearts? - love

Miley Cyrus? - teen star

Beauty? - nature :D

Hate? - radish

Survey? - answers

White wedding chapel? - solemn

Romance? - in love

Beach sunsets? - romantic

Chocolate? - sweet

Ex? - funny

Crush? - ben affleck

Italy? - travel

Model? - wilma d.

=== RANDOM QUESTIONS ===

What is the perfect age to get married? - wala

How many kids do you want? - 2

Should the man pay for everything? - no

What is your favorite romantic movie? - a walk to remember

Does love cost a thing? - no


Tuesday, May 5, 2009

haunting memories

ayoko nang balikan ang mga alaalang pilit ko nang kinakalimutan.
at mas lalong ayoko nang pag usapan pa ang mga bagay tungkol sa nakaraan.
anu pa nga ba ang saysay nun?
wala na di ba?
pero heto ka at nagpaparamdam na naman.
nakngtokwa.
pwedi bang tigilan mo na ang kalokohang ito?
pareho lang tayong walang mapapala sa mga ganitong pangyayari.
nagtatanong ka kung mahal pa rin ba kita?
bakit, mahalaga pa bang malaman mo yun?
magbabago ba ang ikot ng mundo ko sa katiting na sagot ko?
pero sige.
aaminin ko.
tanga ako.
at alam mo na kung anu ang ibig sabihin nun.