Wednesday, April 29, 2009

changes

di ko alam kung anu ang pumasok sa isip ko nang burahin ko ang isa kong lumang blog. matagal ko rin syang inalagaan. mahigit tatlong taon na din.

sa blog na yun, nakasaad ang mga saloobin ko na di ko kayang sabihin ng harap harapan sa mga taong napagtampuhan ko. doon din nakatago ang mga importanteng kaganapan sa buhay ko sa loob ng dalwa at kalahating taon. marami akong naging kaibigan doon. ngayon, bigla akong nakaramdam ng lungkot. tama nga kaya ang ginawa ko? kailangan ko ba talagang gawin yun? pagod, pawis at luha ang pinuhunan ko para lang makagawa ng isang
online journal tas pabigla bigla ko lang binura.

sayang..

sana'y nailipat ko yung ibang mga naisulat ko.

sana'y nakapag pasalamat at nakapag paalam man lang ako sa mga tagasubaybay (kung meron man) ng blog kong yun.

sayang ang mga entries ko doon.
ang mga pictures.
ang pakikipagpalitan ng mga kurokuro.
sayang talaga.

kaso di na nga maibabalik pa yun.

eto na nga siguro ang magiging bagong mundo ko.

dito ko na ulit ibubuhos ang oras at pagod at pag sesenti ko.

tama na siguro yung nakadalawang blog na ako.

eto na talaga. dito na ako. poreber.

munimuni 01: "h0w to save a liFe"

minsan, gaano mo man iniingatan ang isang bagay na mahalaga sa iyo...darating pa rin ang panahon na mawawalay siya sa iyo...




starting point

i deleted my old blog and came up with a new one. so, eto na sya. i felt happy and relieved at the same time kasi it's like getting a new & "priceless" gift for myself and i'm pretty sure, dito mas magiging kumportable ako. *winks*